Nakita agad ni Juliana na nagkakanda haba ang leeg ni Renzo halatang hinihintay siya. Tumaba ang puso ni Juliana na kanina pa siya hinihintay ni Renzo.Naisip ni Juliana na siguro hindi rin napakali ang kasintahan niya na may ibang lalaking lalaway sa kanya. Siguro lang ay talagang kapit lang sa patalim na lang ito dahil kailangan nila ng pera. Sigurado matutuwa ito kapag sinabing niyang halik lang ang nagawa ng lalaki sa kanya. Kahit paano hindi masakit sa ego nito ang malalaman. Pero parang sinukluban ng delubyo ang mundo ni Juliana ng salubongin siya ni Renzo ng tanong na halos ikabaliktad ng sikmura niya. “Mukhang inumaga sayo ahh, nasarapan ba sayo? Ginalingan mo ba? Good Job babe? Ano malaki ba ang binigay na tip asan bilis” Nawala ang ngiti ni Juliana at napalitan ng galit at sukla

