“Walang kaso sa amo ko yan, exclusive pa nga ang gusto diba? Name your price nga ang bilin eh” Pagyayabang naman naman ni Tino.
“Ayos, yan ang masasarap kausap. Kung itatabol nyo lang 1k lang ang deposit. Bahala na kayo kung aabutan nyo ng extra tip. Mas mataas din ang presyo ng ladies drinks niya doble sa karaniwan. Kung ilalabas nyo naman exclusive 5k yun boss ang kaso hindi ko lang alam kung papayag mag pa take out yang napili nyo may boyfriend yan eh” Sabi ng may ari ng club.
“Boyfriend? Wow..!” gulat na sabi ni Tino. Ano kaya ang hitsura ng boyfriend ng dancer na iyon? Sinong matinog lalaki ang papatol sa kapwa lalaki din niya hah. Mga tao talaga ngayon hindi mo na maintindihan ang trip sa buhay” Sa isip isip ni Tino.
“Ganun ho ba? Paano kung gusto siyang ilabas ng amo ko. Naku masama pa naman magtampo ang amo ko hindi na bumabalik”sabi ni Tino.
“Hayaan mo Bosing at kukumbinsihin ko. Payag naman ang boyfriend nun dahil dito rin nagtatrabaho” sabi ng may ari ng bar.
“Aba natural papayag yun bukod sa kita na yun na malaki aba eh parang may mawawala naman sa kanya” Sab ni Tino.
“Ho? ano ho yun bosing?” tanong ni Boss Genesis na hindi naintindihan ang ibig sabihin ng lalaking costumer.
“Ahh wala ho yun, paki kunbinsi na lang po at paki hatid na agad sa table ng amo ko baka mainip eh maisipang lumipat sa katapat na bar” Pananakot ni Tino na alam niyang kakagatin ng may ari ng bar. Saka inabutan ng limang libong peso ang may ari ng Bar.
“Ay sige Bosing right away Bosing ihahatid ko na agad sa table nyo mainit init at pawis pawis pa”
Sabi ni Genesis na malapad ang pagkakangisi. Agad ngang lumabas ng maliit na opisina si Genesis at nagpunta sa ladies room.
"Asan si Juliana?" Hanap ni Genesis sa empleyado. Nakita niyo si Juliana na nagtatangka ng magbihis.
“Hoy Juliana lumbas ka na doon at tumabi ka sa teybol 7 bayad ka na nila. Ilalabas ka ng mga yun pagkatapos uminon ha. Wag ng mag inarte bayad na rin ang magdamag mo. Pagpasok mo bukas may dalawang libo ka sa akin maliwanang? sabi nito.
“Dalawang libo lang boss? Sabay sabay na tanong ng ilan pang dancer.
"Aba? natural may porsiento ang bar noh! usapan na natin yan hindi ba?. Ngayon galingan nyo mambola para may tip pa kayo sa inyo na yun at laklakan nyo ng maraming drinks dahil may porsiento naman kayo doon diba? Sabi ni Genesis. Narinig ni Genesis ang halo halong kuro kuro at bulong bulungan.
“Juliana bilisan mo wag ka ng magbihis mainipin ang costumer sabi nung alalay. Halika na nga” Hatak na ni Genesis kay Juliana at ito mismo ang naghatid sa table 7.
Napasulyap si Juliana sa kasintahan na noon ay naglilimas ng mga bote ng beer. Thumb Up at malapad na ngiti ang ibinigay nito. Nanlambot ang tuhod ni Juliana. Ano pa nga ba ang inaasahan niya.
"Ang tanga tanga mo Juliana.. gumising ka na. Tumakas ka na" bulong ng dalaga sa sarili.
Ang nakita niyang ngiti at thumbs up ni Renzo ay isang patunay na hindi mali kung maisip man ni Juliana ang mapagod at magsawa. Kaya isinumpa ng dalaga, bigyan lamang siya ng pagkakataon para makaalis sa lugar na ito ay susunggaban niya sa kahit anong paraan. Kaya naman ng paupuin siya ni Boss Genesis sa table 7 ay iplinaster ni Juliana ang pinakamagandang ngiti.
Hindi man ngayon ang araw na makakawala siya sa sumpang ito. Gagawin niya ang lahat para kumita ng malaki sa tagong paraan na hindi malalama ni Renzo at hindi mapupunta sa bulsa ng kasintahan. Gusto niyang ipa check up ang ama. Padalhan ng pera ang kanyang kuya. Umalis sa lugar na ito at magtayo na lamang ng karinderia. Pagkakataon... isang pagkakataon lang , puhunan at tapang lang, yun lang ang kailangan ng dalaga.
Napamaang si Juliana sa malaking lalaking nakaupo sa harap niya tapos ay katabi naman niya sa kaliwa ang kaninang lalaking maliit na payat na nag ipit ng dalawang libohin sa bra niya.
Oo, nga pala naalala niya na sinabi nga pala nito na table seven sila. Madilim kase kaya medyo hindi niya napansin agad. Pagsinusuwerte ka nga naman na ang nagteybol sa kanya ay ang galanteng nag ipit ng malaki. Malamang kung papalarin eh sana makakuha rin siya ng malaking tip. Sana talaga medyo malaki para pwede niyang hatiin at pwedeng sabihin niya kay Renzo na ganun lang ang tip niya. Hindi niya kase ito madadaya sa ladies drink bibilangin nito ang naiinom niya dahil malamang ito ang waiter na mag aabot ng bote niya.
Pinagmasdan munang maige ni Juliana ang lalaking kaharap, hindi ito makatingin sa kanya ng deretso at lalong hindi naman siya tinititigan. Madalas nga ay nakayuko ito o nakatingin sa malayo kaya bakit kaya siya ang tineybol nito o baka naman itong mamang maliit ang totoong may kursunada sa kanya.
Pero inaamin ni Juliana napakaguwapo ng lalaki kung siguro hindi siya in love sa kulugo niyang boyfriend ay baka kiligin pati kuntil niya sa gandang lalaki nito. Ang lalake ng mga darili at ang lapad ng kamay. Mabalahbo ang braso at malamang pati ang binti rin at ang….. haaay pinigilan ni Juliana ang kung anumang iniisip pa niya medyo napupunta na siya sa dako pa roon.
“Ahh siya ang amo ko miss, si Sir Anthony. Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ng lalaking maliit na nasa tabi niya.
Hindi agad nagsalita si Juliana pinakatitigan muna ang lalaking kaharap para talaga siyang nababato balaki sa mukha nitong mukhang bagong shave at medyo mahaba at wavy na buhok na umaabot sa mga mata ang bangs. Magaganda ang pilik mata nito nahiya nga bigla ang pilik mata niya dahil mas mahahaba pa ang sa lalaki kesa sa kanyang naubos na yata sa paglalagas kakalagay niya ng maskara gabi gabi.
“Ahh ako nga pala si Tino ang personal alalay ni Sir Anthony. Baka pwede mong tanggalin ang maskara mo para makapagkuwentuhan tayo” Sabi ni Tino.
“Ahh okay lang ba kung wag na kase medyo nahihiya ako, alam nyo kase….”
“Ah alam ko ang ano, ramdam ko naman ang ano kaya okay lang ang ano, Okay lang sa amin kaya alisin mo na ang ano miss. Wag kang magalala hindi ka niya huhusgahan. malabo ka niyang husgahan" sabi ni Tino.
"Saka bayad na nga ang buong gabi mo so, wala ka ng dapat ipagalala” sabi ni Tino.
“Okay lang ba talaga. Pasensya na kung madisappoint ko kayo ha? pwede nyo naman bawiin ang bayad nyo kung sakaling medyo di kayo masatisfied sa ka-table nyo pwede naman yun” Sabi ni Juliana.
Nag aalangan ang dalaga unang unan ay first time niya mag table ikalawa alam niyang hindi siya kaseng gaganda ng ibang dancer at ikalawa naman kase napakaguapo ng kaharap niya tapos siya lang ang napili. Akala siguro nito pa mysterious lang siya sa maskara… nako konsensya tuloy si Juliana.
“Its fine, hindi naman ako tumitingin sa kaanyuan. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng kasama at kausap nagsasawa na kase ako sa boses niya” Biglang nagsalita ang lalaki pero nakayuko at wow pati pala boses nito kasing guwapo rin niya.