Naroon sa drive way malapit sa fountain si Maggie at pinanunuod ang pagkasunog ng mga gamit ni Juliana. Nakita pa niyang ihinagis ng babae ang ilang panty niya sa gitna ng lumalagablab na apoy. "Mabuti naman at umuwi na kayo Anthony pero bakit kasama mo pa rin ang higad na yan?" Sigaw ni Maggie. Naramdaman ni Anthony ang mainit na apoy at naamoy niya ang nasusunog na mga tela. "Sir yung ano sir, nalintikan na.Yung mga ano sir, mga gamit ni ms. Yhna Sir ano sir sinunog ni ano Sir" bulong ni Tino. "Teka lang sir yung asawa ko sir baka inano din sir baka kung napano na sir. Napakasama ng ano mo na yan sir" Sabi ni Tino na tinakbo sa loob ng silid nila ang asawa. Nakuyom naman ni Anthony ang kamao. "Pumasok ka na sa loob Yhna kakausapin ko lang ang biyenan ko.Wag kang magalala sa naki

