Fern Araojo INISIP KO na ang pinakamalala na pweding mangyari, dahil hindi ko alam kung ano ang napag-usapan ay hindi na rin naman ako magrereklamo. Ang nasa isip ko na lamang sa gabing iyun ay may mangyayari sa amin ni Garreth, ayos na rin. Sa guwapo at katulad naman niyang mayaman, pwedi na rin, kaysa naman sa matanda at may asawa pa. Tsaka, hindi na rin mahalaga sa akin ngayon yan, ano pa ba ang mahalaga ngayon? Pera na lang. Pera lang naman ang kailangan ko. Napaupo ako sa stool bar chair nung hilahin iyun ni Garreth at tinuro. Umalis siya at binuksan ang cabinet, maya-maya ay may dala na siyang noodles na nilapag sa lamesa. Napaawang ako ng labi at napatitig sa kanya nung umupo siya sa harapan ko. Nagsimula siyang kumain gamit ang chopstick, tila ba gutom sa laki ng subo nito. “Hi-

