Fern Wright SA ILANG TAON ng pagiging pribado ng Wright, ngayon lang muli nagkaroon ng malaking pagtitipon. At sa araw iyun ng kaarawan ni Papa. Kaswal na nila akong pinapakilala bilang anak sa mga bisita, some were no longer surprised. Hindi ko na inisip pa kung ako ay tanggap ng mga panauhin, mas nagpokus na lang ako sa pakikipagsalamuha lalo pa at mukhang wala na talagang balak na patakbuhin ni Sky ang negosyo namin. Kaya ako na ang pinapakilala ni Papa sa mga tao. “Mabuti talaga si Skyler, maski hindi ka niya tunay na anak ay handa siyang ipamahala sayo ang kanyang negosyo.” Ani ng matanda sa akin at ngumiti. I was about to smile but she added her statement. “Magaling talaga kayong mag-ina, ano?” marahan niyang dagdag at ngumisi. And I already accepted, not all people will like me.

