Makulimlim pa rin ang dating silid ni Claudius sa loob ng mansion nito sa Bulacan kahit na tinanggal na ni Demetria ang makakapal na kurtinang tumatabing sa mga bintana. Doon ay nakatayo si Demetria sa harapan ng ipinintang larawan ng kanyang ama na wari'y hindi siya nagsasawang titigan ang magandang mukha ng kanyang ina na kalong-kalong siya nito noong sanggol pa lamang siya. Malalalim ang kanyang mga paghinga na tila nanghihinayang na hindi lamang niya nakilala ang tunay niyang ina na si Gertrudes. Marahil ay mahal na mahal sila ng kaniyang ama na si Claudius dahil ilang daan taon na rin ang nakalipas ay hindi pa rin sila nito kinalimutan at dito pa sa bahagi ng mansion nakasabit ang ipinintang larawan nilang mag-ina. Sa tingin ni Demetria ay isa nang Sangre si Claudius ng nagin

