Dumadagundong ang kalangitan at tila humihinga ang lupa. Ang malakas na hangin ay humahampas hanggang sa pinakamurang dahon ng bawat sanga ng mga maliliit at naglalakihang mga puno sa mga kagubatan. Matatalim na mga kidlat ang gumuguhit sa maiitim na mga ulap at tumatama sa mga nangangalit na alon sa malawak karagatan sa Sinukluban. Naglalakihang mga alon ang mapuwersang humahampas sa mga pamayanan at lungsod sa mga dalampasigan ng ikatlong mundo. Libo-libo ang mga nangamatay at nasaktan mortal man at imortal ang nagkalat sa mga daan. Nagkabiyak-biyak ang mga kalsada sa mga mayayamang lungsod sa Eloria, Murcia, Quinta, Camaling at iba pang kilala at mayayamang lungsod na nagpaguho rin sa mga istraktura at magagarang gusali. Mga bulkan na nagsimula na rin mangalit at patuloy na naglalab

