Lumliwanag ang lagusan sa harapan ni Odessa. Sari-saring mga kulay ang lumalabas mula rito at tila hinihikayat siya nitong pasukin ito para makita ang hinaharap at ang propesiyang kanyang gagampanan. Magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman habang papalapit siya sa pinaka-b****a ng lagusan. Gustong ipakita sa kanya ni Agathon ang posibleng mangyari sa hinaharap sa mundo ng mga tao at ng Sinukluban. Sa tingin ni Agathon ng Quebaluan ay handa na si Odessa para makita ang propesiya. Propesiya na puwede naman niyang mabago kung gugustuhin lamang niya. Propesiya na magsisimula sa paghahanap at pagliligtas kay Bathala, hanggang paglaban sa nagsisimula ng paghahari ng mga kampon ng kadiliman sa Sansinukop. Marami sa mga diyos at diyosa ang palihim na gustong pabagsakin ang pama

