"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko Arathanias. Pinagsisisihan ko kung bakit nakinig pa ako sa aking kapatid. Nalinlang niya ako. Nalinlang ako ni diyosang Bulan." ang wika ni diyosang Tala habang nakatayo sa balkonahe sa tore ng tahanan ng matandang pantas. "Lahat nagkakamali mahal na diyosa. Hindi rin tayo perpekto tulad ng mga tao. Pero sa pagkakamali tayo ay natututong bumangon para itama ang pagkakamaling nagawa natin." ang tugon ni Arathanias. "Mapapatawad pa ba kaya ako ni Amang Bathala sa nagawa ko sa kanya?" ang muling tanong ni diyosang Tala na mangiligngilid ang kanyang mga luha. Bumuntung hininga si Arathanias at hinagod ang likod ng itinuturing niyang anak na si diyosang Tala. "Walang ama ang hindi nagpapatawad sa kanyang anak mahal kong diyosa. Kailan man ay hindi

