Chapter 36: The Heiress part 4 Third Person's POV Mabilis na dumungaw sa bintana ang isang dalaga na nasa ikaapat na palapag. Mataas na iyon ngunit sa mga kagaya ng dalaga na hindi basta basta ay madali lamang iyon nagawan ng paraan. Gamit ang lubid na puti ay bumaba s'ya paibaba. Sakto naman na nasa gilid ito ng hospital at walang mas'yadong tao kaya naman malaya s'yang nakababa ng walang istorbo at nakakakita. Napa kagat labi ang dalaga ng makababa ay biglang sumakit ang tagiliran n'ya. Ginamot lamang ang tama ng baril n'ya ngunit hindi pa ito tuluyang naghihilom. "Damn...it hurts." Mahinang sambit nito. Gayon pa man ay hindi niya ito pinagtuunan ng pansin at mabibilis ang hakbang na umalis sa lugar na yon. Ngunit bigla muli s'yang napakagat labi ng makaramdam muli ng munting kir

