Chapter 48: The Queen "Protect her! She's the future queen of the mafia. the future queen of the underground society!" -James Marcus Corrigan Third person POV Tahimik at payapang nagmamaneho si lyra sa gitna ng kagubatan. Dahil ang warehouse na pinang galingan nila kung nasaan dinala si leriana ay nasa gitna ng kagubatan. At malayo layo pa ang lalakbayin upang makalabas sa pinaka masukal na kagubatang iyon. Napa-sulyap siya kay leriana na mugto ang matang nakatitig sa kawalan. Sobrang tahimik ito. Malayong malayo sa nakasanayan niyang madaldal at maarteng leriana noon. Ang laki ng pinag bago nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o ano. Dahil noon ay gustong gusto niya na maging tahimik at mahinhin si leriana. Ngunit ngayon na tahimik ito ay parang mas gusto niyang mas ma

