Chapter 37 SJ's PoV Dalawang buwan ang nakalipas mula nang umalis siya. Mahirap pero kinakaya ko. Masakit pero tinitiis ko. Para akong nagsisimula ulit sa umpisa. Maaga akong bumangon dahil panibagong school year na naman ang bubuksan. It's my fourth year in Biology at plano ko munang magfocus sa pag-aaral ko. Hindi lang para sa akin kundi para sa magiging pamilya namin ni Lally. Nag-aayos na ako ng buhok ko sa salamin at napatigil ako dahil nakita ko sa repleksyon ko ang ngiti sa aking mga labi. Ni hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Bigla na lamang kasing pumasok sa isip ko si Lally. Nasa tatlong buwan na ang tiyan niya. Siguro ay maliit pa lamang ang tiyan niya. Hindi pa gaanong halata ang baby bump niya pero gusto ko na iyong mahawakan. Gusto ko nang maramdaman. Ayokong kon

