Chapter 35 SJ's PoV Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang maya't maya ang sulyap ko kay Lally na nanghihina nang nakaupo sa passenger seat. Napalingon ako sa hita niya na may bahid pa rin ng dugo. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na naman kami muling umabot. I step on the gas at maingat na nagpatuloy sa pagdadrive. She's still bleeding. "Lally, are you pregnant?" Tanong ko kahit pa alam ko na ang sagot. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya. Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. At mas lalo akong natakot nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. "Damn, Lally! You need to stay awake." Sambit ko. Panay na ang busina ko nang madaanan namin ang masikip na kalsada. Mabuti na lang at nagsitabihan sila. Nakarating kami sa ospital at agad siyang isinakay sa stretcher. "La

