Cassandra!! San ka bang bata ka?
Inay! andito napo ako pasensya npo nalibang po ako nag punta po kasi ako sa likod bahay.
"Ikaw talagang bata ka, diba lage ko sayo sinasabi na huwag ka nagpupunta dun at nakiusap lang tayo na makitira dito sa bahay. Bihira lang ang pumapayag na kasama ang anak sa pinapasukan kaya hangat maari anak wag ka mag pakalat kalat sa paligid ng mansyon. Unawain mo sinasabi ko sa iyo anak.."
Tango lang ang sinagot ng isang batang nakayuko na walang iba kundi si Cassandra na mababakasan ng lungkot sa mga mata..
"Halika anak yakapin mu si nanay alam ko anak nalulungkot ka pero dapat tayo masanay sa mga bagay na alam natin na di maibabalik ang kahapon." wika ni Martha.
"O sya anak may gagawin pako sa mansyon maiwan muna kita." pagpapaalam ni Martha.
Naglakad na papunta sa pintuan palabas ng kanilang bahay si Martha na nasa isang sulok ng mansyon. Ang munting bahay na napapaligiran ng mga puno, may maliit na kusina at dalawang silid. Maituturing na isang bahay na puno ng pagmamahalan ng magina. Mahigit isang taon narin ng kanilang lipatan ang bahay na yun na pinatirhan sa kanila ni Don Raphael na isang byudo at may nag iisang anak na na tagapagmana.
Naiwan si Cassandra at nagsimulang kunin sa bulsa ng kanyang bestida ang mga bulaklak na pinitas sa likod ng mansyon. Nakasanayan na niya mamulot ng mga bulaklak na nahuhulog at nilalagay ito sa mga garapon. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa maninipis na labi at hugis puso sa isang munting paslit..
Sa Mansyon..
"Ah Martha andito kana pala hinanap ka ni Don Raphael may ipaguutos ata sau?" wika ni Manang.
"Ganun po ba Manang Elen sige po akyat napo ako.."
Si Manang Elen ay isang matandang dalaga na may 20 years ng namamasukan bilang isang mayordoma sa mansyon kung kaya maituturing na pamilya nadin dahil sya ang nag alaga sa nagiisang anak ni Don Raphael.
Thank you for reading ❤❤❤
Please follow to get updates on the next episodes.?