AERO P.O.V
"CLIONA VERITY WOLVERSON!" Sigaw ni Roi. Muling namatay ang ilaw at ng bumukas yun may piano na sa stage at si Cliona na bahagyang naka tagilid samin.
(O_O)
"Putcha! Si Cliona yan?" Manghang tanong ni Aris.
"Ang ganda diba!" Si Rumsel ang sumagot sakanya. Hindi kona sila nagawang lingunin dahil napako nanaman ang mata ko kay Cliona.
Nag simula syang mag tipa sa piano.
-Stone cold, stone cold
You see me standing, but I'm dying on the floor-
Ang lamig.
-Stone cold, stone cold
Maybe if I don't cry, I won't feel anymore-
Bahagya syang tumigil.
-Stone cold, baby
God knows I tried to feel-
Ang ganda ng boses nya! Pinag masdan ko si Cliona na nakapikit habang kumakanta.
-Happy for you
know that I am
even If I can't understand
I'll take the pain
Give me the truth, me and my heart
We'll make it through
If happy is her, I'm happy for you-
Patuloy nya sa kanta. Bahagya pa syang lumalayo sa Mic dahil tumataas na ang kanta. Eto nanaman ang pakiramdam ko na narinig kona ang boses nya kung saan pero wala akong matandaan. Yung boses nyang malamig at damang dama mo ang lyrics ng kanta pag sya ang nakanta.
"Bro" may tumapik sa braso ko.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Hi!" Bati nya sa mga kasama nmin na tangin si Katty at Mika lang ang naka Maskara. " Ako ang guess ngayon HAHAHAH surprise ba bro?" Natatawang aniya.
-Stone cold, stone cold
I was your amber, but now she's your shade of gold-
"Ang ganda ng boses" sabi nya saka nilingon si Cliona na natatakpan ng mic.
-Stone cold, baby
God knows I tried to feel-
Bahagya syang tumigil at nag simulang tumaas ang kanta dahilan para lumayo sya sa mic.
-Happy for you
Know that I am, even if I
Can't understand, I'll take the pain
Give me the truth, me and my heart
We'll make it through
If happy is her-
Kanta nya at saka tumigil. Bigla syang tumingin sa gawi ko at nag tama ang mata namin.
-I'm happy for you-
Kanta nya saka binalik ang mata nya sa Piano at doon nag tipa bago kumanta.
-Don't wanna be stone cold, stone-
"A-aalis muna ako" paalam ni Mika saka tumayo.
"Mika! Where are you going!?" Habol sakanya ni Zaggy pero wala syang nakuhang sagot kay Mika. Napatingin ako kay percy na gulat na nakatulala sa Stage kung saan nakanta si Cliona.
-I wish I could mean this but here's my goodbye-
Patuloy ni Cliona habang nasa gawi ko ang paningin. Para bang may sinasabihan sya sa kanta nya. Isang malakas na tipa at....
-Oh, I'm happy for you
Know that I am, even if I
Can't understand
If happy is her, if happy is her-
Sobrang taas! Kinaya nyang kantahin yun ng nakaupo!
-I'm happy for you-
Kasabay ang huling linya ng kanta nya ay ang pag patak ng luha nya. Hindi ko alam kung guniguni ko lang pero nakita ko ang panunubig ng mata nya dahil nasakanya ang spotlight at nasa harapan nya lang kami. Agad syang ng Bow saka walang pasabing umalis sa Stage.
"Wow! What a emotional performance from Cliona. Once again let's give around of applause to Cliona Verity Wolverson for wonderful song" sabi ni Roi. Napatingin ako kay Percy ng bigla syang tumayo at wala sa sariling pumunta sa stage.
Mika P.O.V
Nagulat talaga ako ng dumating sya at nag sit in samen. Aligaga kong sinoot ang maskara ko habang palipat lipat ang tingin sakanya at kay Cliona na halos kakaumpisa lang kumanta.
"Ang ganda ng boses" sabi ni Kupal saka sinilip si Cliona. Laking nasasalamat ko ng natatakpan ang muka nya ng mini mic stand na naka patong sa piano.
Pero halos gumuho ang mundo ko at feel ko mahuhulog ang tube dress ko dahil sa kabog ng dibdib ko ng lumingon sa pwesto namin si Cliona. Panay ang wish ko na sana gumana ngayon ang pagiging malabo ng mata ni Cliona tuwing madilim. Para hindi nya makita ang kupal nato! Nag karoon ako ng konting pag asa ng hindi mag bago ang reaksyon ni Cliona.
"A-alis muna ako" paalam ko saka tumayo at tinalikuran sila kaylangan kong malayo si Cliona dito. Paniguradong magagalit si Cameron pag nagkita pa sila.
"Mika! Where are you going!?" Napapikit ako sa inis dahil sinigaw nya talaga ang pangalan ko! Punyeta ka Zaggy! Nag tatago nga ako eh!
Dali dali akong pumunta sa backstage kung nasan nakita ko si Roi na nakikipag kwentuhan sa mga DM.
"Oh Mika anong ginagawa mo dito?" Salubong sakin ni Roi.
"A-ah may ibibigay lang ako kay Cliona kaya aabangan ko nalang dito" pilit akong ngumiti sakanya para hindi ako mahalata.
"Nasan ba ang gamit ni Cliona?" Tanong ko kay Trisha.
"Ayun oh!" Turo nya sa katapat nyang upuan kung nasaan ang bag ni Cliona.
"Salamat" agad ko yun binuksan at hinanap yung maskara nya. Ano banaman kase to! Nakakainis! Bakit ba kase nandito yan!
-I'm happy for you-
Kanta nya sa huling linya kaya naman binuhat kona ang bag nya. Nag salita na ulit si Roi habang papapunta sa direksyon ko si Cliona.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na di manlang nag babago ang Ekspresyon.
Hindi nya ba nakita?
(•o•')
"A-ah m-mag reretouch ka Oo! Kase nag moise na yung make up mo" agad ko syang hinahawakan sa kamay saka hinila palabas ng back stage. Palingon lingon pako sa paligid dahil baka may maka kita samin. Agad kong dinala si Cliona sa Teacher's restroom. Alam kong bawal estudyante dito pero wala akong pakeelam.
"Mukang ikaw any kaylangan mag Retouch" natatawang aniya kaya napatingin ako sa salamin.
Putcha!?
Pawisan
Kadiri!
"Edi make upan mo den ako!"
"Ano ka helo?" Ngising sabi nya.
"Bilis na" bulong kong sabi sakanya dahil baka may maka rinig samen.
"Amina nga!" Inagaw nya sakin yung bag na dala nya kung nasaan yun make up na dala namin kanina. Umupo naman ako katulad sinabi nya. Sya ang mag retouch saken. Kung hindi nyo natatanong eh mahilig mag ayos ang past Cliona pero ngayon konti nalang.
Black na backless fitted long gown ang soot ni Cliona at Black na nag kikinangan na heels na masasabi kong bumagay talaga sakanya.
"Ayan naba ang soot mo?" Tanong ko sakanya ng matapos nyakong ayusan.
"Hindi pa nakay Cameron ang damit ko tawagan mo nga" utos nya kaya tinawagan kona.
"Where are you!?" Sagot agad ni Cameron.
"Hehe nasa teacher's restroom kame" sagot ko.
"Ok I'm with Katty ay Rum"
"Kausapen ko"
"Oh bakla!" Si Rum
"Wag kayo maingay jan ah bilisan nyo nasa teacher's restroom kame" bulong ko dahil baka marineg ni Cliona.
"Sige sige" ayun pinatayan ako ng tawag.
Pinahubad kona kay Cliona ang soot nya kanina para isosoot nalang nya yung dala ni Cameron na damit. Ilang minuto pa ay dumating na sila.
"Anong damit to!?" Singhal ni Cliona ng maisoot nya ang gown nya.
"Perfect!" Si Rum na inikot ikot pa si Cliona.
"Ay pak yung boobs naluwa" natatawang sabi ko.
"Ang ganda mo Cliona!" Puri ni Katty.
"Come on princess your stunning today. Give me your things ilalagay ko sa kotse ko" agad ko naman inabot kay Cameron ang bag.
"Ako ang eacort mo bakla ah!" Suggest ni Rum na agad namang sinang ayunan ni Cliona.
Nauna kaming bumalik ni Katty dahil ang bagal mag lakad ni Cliona. Nag aaway pa sila ni Rum kase natatapilok sya HAHAHAHHAH!
"kanina pa namin kayo hinahanap. San ba kayo galing. Kanina pa sayaw ng sayaw sila Aero at Tyreen don" salubong samin ni Aris.
"Kay Cliona kame galing" sagot ni Katty sakanya.
"Where is she?" Tanong ni Zaggy kaya agad akong napanguso.
"Ayan kasama ni Rum!" Singhal ko sakanya.
"Baklaaaaaa!" Sigaw ni Roi kaya napatingin kami sakanya na nakaalalay nadin kay Cliona.
"Wow!" Reaction ni Aris
"Your stunning" si Zaggy.
Pch! Paulet ulet!
"Sorry may partner nako dalawa pa sila" mayabang na sabi ni Cliona.
"Sino yung isa?" Takang tanong ko.
"Si Roi. Ang bakla naging lalake ngayon HAHAHAAHA" tawa ni Cliona kaya napa ngiti ako. Siguro tumalab yun dasal ko na sana gumana magiging bulag ni Cliona sa dilim. Naks! Lakas ko talaga sa taas!
"Wes na Mader kesa naman si Rum nanaman ang partner ko" biro ni Roi.
"Katty sayaw na tayo" aya ni Aris na agad namang sumama si Katty.
"Let's dance" si Zaggy na naka lahad ang kamay saken.
Mommyyyyyyy!
"H-hey don't look at me" sabi pa nya.
"Hilain mo pag ayaw sumama" natatawang singit ni Cliona.
"Hoy! Napaka sama mo!" Singhal ko sakanya.
"Bala kayo jan halika na Rum" nauna pa silang pumunta samin sa gitna.
*Pout*
"Let's dance" aya nya ulit kaya kinuha kona ang kamay nya at pumunta kami sa gitna kung saan malapit kila Goku at Aris.
"Hindi nanatin papatagalin to. Gusto nyo naba makilala ang guess natin for tonight!?" Sigaw ni Roi. Na agad naman nag yess ang mga taong naka paligid samin. Tiningnan ko si Cliona na nasa tabi parin ni Rum. Lahat kami naka tayo sa gitna dahil nagsasayawan kami kanina ng ma salita si Roi.
"YES NO YES! College and engineering student na masasabi kong malapit talaga ang puso sa IS Manila. Please Welcome! MR. PERCY MARTINEZ!" napatingin ako kay Cliona na nakatingin lang sa stage. Hindi ko makita ang reaksyon nya dahil natatakpan ng maskara ang mata nya.
"Are you ok?" Bulong sakin ni Zaggy agad naman akong tumango. Tumingin ako sa stage kung nasan si Percy na ngiting ngiti. At lingon lingon pa sa mga tao.
"Lapit tayo kila Cliona" aya ko sakanya. Agad kaming tumabi kay Cliona na nakay Roi na ang paningin.
"HEPPPPP IKALMA NYO YAN! DAHIL HINDI LANG NAG IISA ANG GUESS NATIN!" Kinikilig na sabi ni Roi. "Gwapong gwapo at fresh from another Internation school. An exchange student at kung malapit ang puso ni Mr. Percy sa puso ng IS Manila. Masasabi kong hindi lang malapit ang puso nito sa school kundi sa mga kababaihan at saming mga bakla den. A college and a Medical student, taking doctors degree. PLEASE WELCOME MR. CAMERON VON WOLVERSON!" napatingin ako sa stage ng tawagin ang buong pangalan ni Cameron. Sobrang gwapo nya sa soot nyang suit.
"Grabe Dre! Oscar De la Renta" rinig kong sabi ni Aris na nasa gilid namin.
"Parehas sila ni Cliona!" Tuwang tuwa na sabi ni Katty. Gulat naman silang napatingin kay Cliona.
"What!? Si cameron ang bumili nito" naka ngising sagot ni Cliona. "I bebenta koto pag tapos. Sayang den" dagdag nya na kina gulat namin.
"Loko!" Natatawang sabi ni Aris natigil sya ng makitang seryoso si Cliona.
"Hi!"
Aero P.O.V
"Ayun sila oh tara!" Aya sakin ni Tyreen. Kaya pumunta kami kila Aris.
"Hi!" Bati ni Tyreen pero mukang hindi sya narinig at hindi nila ramdam ang pag dating namin.
"Di nga, seryoso?" Tanong ni Aris sa diko kilalang babae na kasama nila.
"Muka bakong nag loloko?"
(O_O)
Napatingin ako sa kausap ni Aris at talaga namang napatitig ako sakanya dahil hindi ko sya nakilala sa soot nya. Ang Ganda!
"Sayang naman Cliona!" Si Katty na ang nag salita. Ano bang pinag uusapan nila?
"Sayang to. Pang bayad nalang sa tuition" natatawang sabi ni Cliona. Hindi talaga nila napapansin ang presensya namin.
"Nag hihirap kana ba talaga?" Biglang singit ko dahilan para mapatingin sila samin. Pero naka tingin ako kay Cliona na seryoso lang ang muka.
"Bro it's Oscar de la Renta" sabi ni Zaggy na kinagulat ko.
(O_O)
(>__<)
ANO BANG PINAG SASABE KO!?
Agad silang pumunta sa gitna at sumaway. Nakakagulat man pero alam na alam ni Justine ang step nila.
"Ang tagal mo kase kunin eh naunahan ka tuloy" bulong sakin ni Aris. Hindi kona sya pinansin at tiningnan nalang si Tyreen. Aayain ko sana sya umupo pero nakatulala lang sya Kila Cliona at Justine na magkadikit na sumasayaw.
-And I, I don't wanna let you know
I, I drown in your memory
I, I don't wanna let this go
I, I don't-
"Gusto moba umupo?" Tanong ko sakanya pero nanatili syang nakatingin sa harapan. Hindi ata narinig ang sinabi ko. Napatingin ako sa harapan ng biglang mag bago ang kanta.
-Beautiful girl, whereever you are
I knew when I saw you
You had opened the door
I knew that I'd loved again
After a long, long while
I'd loved again-
" Isayaw nyo na ang mga date nyo at mag sisimula na ang pag pili ng isasayaw ng ating Guess" sabi ni Roi kaya nag punta na ulit kami sa gitna para sumayaw.
-You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes
Left my heart beating so
I just knew that I'd loved again
After a long, long while
I'd loved again-
Lumapit kami sa pwesto nila Cliona dahil nandon din Sila Aris at Zaggy.
"Ako naman" rinig ko sabi ni Roi na agad kinuha si Cliona kay Justine. Napatingin ako kay Tyree na malayo ang tingin.
"Ok kalang ba? Napapagod? Gusto mo umupo na tayo?" Tanong ko sakanya.
"H-hindi ok lang" pilit na ngiti nya.
-It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone-
" Bakla ako naman" boses ni Rumsel na agad inagaw si Cliona kay Roi.
"Pwede bang umupo muna tayo?" Biglang tanong ni Tyreen. Tumango nalang ako dahil kanina pa din kame nasayaw. Agad kaming umupo sa pwesto namin kanina. "Napagod ako don" natatawang sabi ni Tyreen.
"Kanina pa din tayo nasayaw." Natatawa ding sabi ko.
"Kaya nga"
Napatingin ako kila Zaggy at Aris na pabalik na sa pwesto namin.
"Oh nasan na ang mga date nyo?" Tanong ko sakanila.
"Andon pinag agawan nila Rumsel at Roi" natatawang sagot ni Aris. Napatingin ako sa likod nila ng makita si Cliona don na hirap na hirap sa pag lalakad.
"Oh where's your date?" Tanong Zaggy na agad tinulungan si Cliona na mag lakad.
"Pinasa ko kila Mika. Ansaket na ng paa ko" sabi nya saka umupo sa tapat ko. "Penge tubeg" utos nya agad namn syang pinag silbiha ni Zaggy.
Pch!
"Are you ok?" Tanong sakanya ni Tyreen.
"Oo nangalay lang yung paa ko" sagot nya habang tinatanggal ang heels na soot nya.
"Ikaw ba naman sumayaw don ng naka heels eh" natatwang sabi ni Aris.
"Kaylangan eh" sagot ni Cliona na kinataka namin.
"Bakit naman?" Tanong pa ni Aris.
"Pang pabawas sa tuition ko"