Kabanata 70: Downfall SOBRANG emosyon ang lumulukob kay Tyrone Lashorte. Nang nakatulog ang kaniyang asawa’y dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at saka lumabas ng kaniyang silid para puntahan si Korina. Gusto niyang siya mismo ang sisingil sa ginawa nitong kahayupan sa kaniyang pamilya pati na rin sa kapatid niyang ni-hindi man lang niya nadamayan at nakasama hanggang sa huling hininga nito. Dumiretso muna siya sa kaniyang secret vault sa closet niya para kunin ang kaniyang baril niyang may silencer. Buo na ang kaniyang desisyon na wakasan ang buhay ni Korina. Wala siyang pakialam kung makulong siya basta’t nabigyan niya ng hustisya ang mga anak niyang nawala sa kaniya pati si Tyler. Nagpalit siya ng T-shirt at jacket na itim at saka ng jogging pants para maayos siyang makag

