Kabanata 26: Jealous Sharon’s POV NAKATANAW siya sa labas ng bintana. Nakaalis na ang kaniyang Lola Lusing para magtungo sa gagamutin nito sa kabilang baryo. Napanguso siya nang naalala niya ang binilin nito at syempre hindi mawawala ang pang-aasar sa kaniya. “Sharon?” tawag pansin sa kaniya ni Pancho at nakita niyang may hawak-hawak itong isang mangkok ng bagong lutong Nilagang Saging na Saba. Napangiti siya at umupo ito sa kaniyang tabi. Inabutan siya nito ng tinidor na may nakatuhog na Saging at kinuha naman niya ‘yon. “Maraming salamat,” aniya at nginitian naman siya nito. Hindi niya alam kung ano ba’ng magandang gawin ngayong araw. Wala naman kasi pating dumadayo sa kanilang kubol para may magpagamot kaya’t wala siyang magawa. “Parang hindi ako sanay na wala si Lola Lusing dito

