ALAS otso pa lang ng umaga ay nakaabang na ako sa lobby ng Paradise Resort. Dito laging tumutuloy si Dylan kapag kailangan niyang mag-overnight sa San Sebastian. Simula kasi nang naging magkasintahan kami ay hindi na siya natutulog sa bahay. My parents don’t mind him spending the night in our house because they trust him. But Dylan being the conservative type of boyfriend always politely refuse the offer. “Nami?” Naiwala ko ang iniisip nang madinig ang pamilyar na boses ni Dexter—the owner of the resort and a good friend of Dylan and my brother. “Hi, Dex!” Tumayo ako mula sa kinauupuang lounge at sinalubong ang bagong dating. “May usapan ba kayo ni Dylan?” tanong niya nang makalapit sa akin. “I just saw him left thirty minutes ago.” Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nalama

