“MARG, sabay na tayong pumasok!” Bahagya pang lumakas ang boses ko dahil hinabol ko ang kaibigang mabilis na naglakad patungo sa salas ng apartment. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at sinundan siya. She didn’t take a glance at me when I stood beside her. “Marg,” muli kong tawag sa kaibigan ko. She continued to ignore me and kept herself busy inspecting her bag. Kahit alam kong wala naman talaga siyang tinitingnan doon. “Marg, naman,” maluha-luha akong humawak sa kaniyang braso. “Isang linggo mo na akong hindi pinapansin. Can’t we just make up already? You know how I badly need a friend right now.” Hindi nakatakas sa aking tainga ang pagpatalak niya bago humarap sa akin. “Bakit hindi ang manliligaw mo ang gawin mong friend?” I gasped with her sharp question. “Hindi ko manliligaw

