“MARAMING salamat, Mang Damian. Pasensiya na po kayo at kailangan niyo pang bumiyahe ng malayo para ihatid ako,” hinging paumanhin ko sa family driver nila Dylan nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay. “Simula kaninang bumibiyahe tayo ay wala ka nang ginawa kung hindi humingi ng dispensa sa akin, Nami,” natatawang sagot ng matandang lalaki. “Nakakahiya po kasi at kailangan niyo pang bumiyahe nang malayo para ihatid ako. Pagkatapos ay babalik pa uli kayo. Kaya ko naman po kasing bumiyahe mag-isa. Si Dylan lang naman ang mapilit.” “Nag-aalala lang sa 'yo ang Señorito, lalo na at hindi ka niya maihahatid dahil sa mga naatang na gawain sa kaniya ngayong wala na ang Señor. Kung ako man ang nasa kalagayan niya’y titiyakin kong ligtas na makauuwi ang nobya ko.” Matamis akong

