MASAKIT ang buong katawan ko nang umagang iyon. Parang binibiyak ang ulo ko at nahihirapan akong lumunok. “Huwag ka na munang pumasok, Nami. Ako na ang bahalang magsabi sa professors natin,” wika ni Margaux nang makaupo ako sa four-seater dining table sa apartment namin. Uminom agad ako ng tubig dahil pakiramdam ko’y tuyong-tuyo ang lalamunan ko. “Ganoon na nga ang gagawin ko, Marg. Hindi ko rin talaga kayang pumasok. Sobrang sakit ng ulo ko.” “Dala iyan ng pagkakaulan mo noong isang araw. Kung bakit ka naman kasi sumugod sa ulan pauwi rito? Sana ay hinintay mo na lang si Dylan na matapos sa group meeting nila.” Lihim akong napaismid. “Kung hinintay ko siya ay baka inabot na ako ng madaling-araw. Halata namang wala pa siyang balak na tapusin ang ‘meeting’ nila ng mga ka-group niya.” Na

