NAIDLIP ako nang makabalik ako sa mansion ng mga Ongpauco mula sa chapel. Pagkatapos ng harap-harapang pamamahiya sa akin ni Señora Amanda ay sumabay na ako sa mga kasambahay pabalik dito. Hindi rin ako nagpaalam kay Dylan kaya tiyak na nag-aalala na iyon. “Meet my son's future wife, Katrina Yapchengco.” Parang punyal na sumaksak sa aking puso ang mga salitang iyon ng ina ni Dylan. I know that she didn’t like me for her son, but does she really have to do that in my face? Pakiramdam ko ay nawala ang respeto ko para sa kaniya. Bumaba na ako ng kama at kumuha ng pamalit na damit sa aking traveling bag. Idadaan ko na lang sa ligo ang pangyayari kanina. It will only worsen my mood if I dwell so much on it. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ang halos isang oras na paliligo. I indulged mys

