ARE you sure hindi na tayo mag-o-overnight dito para mahintay ang pag-uwi ng parents mo bukas?” tanong ko sa kaniya habang nasa living room kami at naghahanda sa pag-alis. Makapananghali ay nagyaya na si Dylan na mamasyal kami. “I only asked you to spend your Saturday with me. Kalabisan na kung pati Sunday mo ay kukunin ko pa.” I felt those butterflies summersaulting in my stomach. Hayan na naman at dumadagundong ang puso ko dahil sa simpleng salita lang niyang iyon. “Well…” tumikhim ako. “Ayos lang naman sa akin para makita mo na rin ang magulang mo. Pwede naman tayong umuwi after nilang dumating.” He slightly pinched my chin at tila satisfied na ngumiti. “That’s very sweet of you, baby.” Umirap ako at pilit ikinubli sa pagtataray ang kiliting nararamdaman. “Huwag

