PASADO alas-dose ng tanghali nang magising ako mula sa pagkakaidlip. Bumangon ako at agad na hinagilap ang cellphone kong nakapatong sa bedside table. I saw three messages and two missed calls from Dylan. Lahat ng kaniyang mensahe ay nagtatanong kung gising na ba ako at nag-aayang kumain kami ng lunch. I immediately dialed his number but only kept ringing. Inulit ko siyang tawagan subalit walang sumasagot. “I-text ko na nga lang,” bulong ko sarili but I stopped when I realized that he was just on the room next to mine. “Pupuntahan ko na lang.” Mabilis akong naligo at nagbihis ng knee-length and sleeveless summer dress. Noong una ay naiilang pa ako ngunit naisip kong natural lang naman ang ganitong bihis sa resort kaya tiyak na hindi ako masyadong mapapansin. Pagkatapos ng ilang minuto

