Kabanata 6:
[Never forget]
Napabalikwas ako ng bangon ng may maramdaman akong dumadapo sa leeg ko. Pagkamulat ng mata ko si Rhian ang bumungad sa akin.
"S-sa wakas gising kana." Aniya na may halong pagaalala.
Bigla nalang akong niyakap ni Rhian maya-maya ay dinig ko na ang pagsinghot niya na nagpapahiwatig na umiiyak na siya.
"Pinag-aalala mo n-na naman a-ako." Umiiyak niyang sabi at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin.
Bumuntong hininga nalang ako sa kadramahan niya. Nagawi ang tingin ko sa dalawang tao na nakamasid sa amin. Umiwas ng tingin si Vea samantalang si Sir ay seryosong nakatingin lang sa aming dalawa ni Rhian. Ilan minuto din ang ginugol bago kumalas sa yakap si Rhian.
"Ang drama mo." Sabi ko ng matapos siyang magdrama.
Napangiwi nalang siya saka bumusangot.
"Nag-aalala lang naman ako. Napapadalas nalang kasi eh." Makahulugan niyang sabi.
Hindi ko naman magawang pigilan na malungkot sa bangungot na yon. Magpahanggang ngayon sariwa parin sa akin ang lahat. Hayst! Bakit naman kasi siya ang laman ng panaginip ko. Di bale kaysa naman yung mga Manong na yon ang magawi sa panaginip baka hindi na ako magising, dahil sa panaginip palang pinapatay na nila ako. Tsk, swerlas kapag nangyari ang bagay na yon.
Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kisame. Bumangon ako ng mag-ring ang selpon ni Rhian. Tulog na ang bruha habang humihilik.
Dinampot ko ang selpon niya sa mini table. Pangalan ni Neo ang makikita na tumatawag. Sinagot ko yon saka tuluyang bumangon sa kama upang lumabas para hindi makagawa ng ingay.
"Gabing gabi na... Bakit ka nga ba napatawag?" Tanong ko.
Dinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Rhian tell to me what happened again to you." Aniya.
"Are you find?" Nag-aalala niyang tanong.
Napairap nalang ako. Masyado atang maalalahanin itong dalawa sa akin? Ano kayang akala nila sa akin, nalalapit na ba ang araw ko?
"Para naman hindi mo ako kilala?! Ikaw ba kamusta d'yan?" Hindi agad siya nakapagsalita.
"Find." Tipid niyang sagot.
Napangiwi nalang ako. Find 'daw pero ang tagal bago sumagot.
"Sabi mo e. Balita ko nga pala nadagdagan problema mo. Hindi na ako magtatanong kong isang araw e may issue pala tungkol sa'yo----"
Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng bigla siyang umangal.
"Fvck Lijana! Fvck that issue." Halos pasigaw niyang sabi.
"Fvck Oen. Fvck that reason." Pang gagaya ko.
"Sana pala hindi na ako tumawag..." Ngayon naman maayos na ang tono ng pakikipagusap niya.
"Yan ang napapala ng mga maissue sa buhay. Puntahan ka nalang namin bukas. Dadaan kami d'yan." Sa sinabi ko mukhang nabigla ang mukong.
"Ano??" Pasigaw niyang sabit.
Nailayo ko ang selpon sa tainga ko. Kalalaking tao ang hilig manigaw.
"Bingi ka na ngayon Oen? O sadyang wala kana sa sarili?" Pang iinis ko.
Napatingala ako sa kalangitan na ngayon ay punong puno ng mga bituin na nagliliwanag.
"Bakit sa bahay ko pa pwede naman kina Decko. Tsaka hindi pa ako nakakapag ayos ng bahay e. Paniguradong mabubully na naman ako nito." Sabit niya.
Akala mo naman napaka laki ng problema. Parang hindi kami sanay e.
"Others." Simpleng usal ko.
Dinig ko ang pagtepa niya sa keyboard ng laptop niya.
"Find! Maglilinis na ako ng bahay. Goodnight and bye bye." Pagpapaalam niya bago patayin ang tawag.
Napailing nalang ako. Ang pinakaayaw kasi niya ay yung pinupuntahan siya tapos makalat ang bahay niya. Dagdag pa ang pag-inis ni Rhian sa kanya kapag makalat ang bahay niya at hindi agad nakapag linis, yung kasing babae na yon ang daming pinupuna.
"Why are you still here outside?"
Pasimpleng akong napasinghap dahil sa pagkabigla. Kanina yung Lola niya, ngayon naman siya. Anong trip ba nila? Mamatay ata ako ng maaga dito sa pamamahay nila.
"Bakit? Bawal ba Sir?" Tanong ko at least na sagutin ang tanong niya.
Umiling lamang siya. Ilan minuto ang namayani bago niya basagin ang katahimikan.
"Still remember the convergence that night Ms. Freecs?" Tanong niyang hindi ko inasahan.
Nakakatawa naman. Akala ko hindi niya ako nakilala. Naging kampante ako dahil sa simple niyang pakikitungo bilang guro. Pero swerlas! How I can't remember that night kung siya pala yung taong sa dinami dami ng pwedeng makilala ay siya pa. Gano'n ata kaliit ang mundo, at siya din pala ang bagong guro namin.
"Hindi naman ako matanda para makalimot, Sir." Hindi din gano'n kadaling limutin ang mga taong nakakagawa ng bagay na hindi madaling limutin ng tao.
"For the first time Ms. Freecs, sound you never forget that night." Hindi mo malaman kung nang-aasar siya o ano.
Hindi ako sumagot.
"I admit. That was a memorable night for me." Sa sinabi niya 'don ako napatingin sa kanya.
Mukhang gusto niyang sariwain ang lahat ng kaganapan. Pero para sa akin isang bangungot ang gabing yon.
"Paano nga ulit maubusan ng pasensya ang isang Freecs?" Panunuya niya.
Pinilig ko ang ulo ko. Baka makalimot ako kung sino ang kaharap ko. Mas malala eh nasa ibang teritoryo ako.
"Bakit Sir? Gusto mong masampolan?" Alok ko.
Ngisi lang ang nakuha ko. Naluluko na ata siya.
"Ofcourse if the same when how you---"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil alam ko ang mga kasunod na sasabihin niya. 'Yon ata yung hindi niya makalimutan. Kung pwede nga lang ibalik ang oras, ginawa ko na.
"Tang!na ka po Sir!" Hindi ko mapigilan sumabog sa inis. Ipaalala ba naman ang lahat. "Yon pa talaga ang hindi mo makalimutan."
Napailing siya habang may ngisi sa labi. May nakakatuwa ba? Nagawa niya pang mang-asar.
"Ms. Freecs... Be careful of your word." Seryosong aniya bago tumalikod paalis.
Ehh??
Siya yung hindi nag-iingat sa mga sinasabi. Hindi manlang niya inisip na baka may makarinig sa kanya. Ako pa ang sinabihan. Aba mahusay.
"Be careful? Ang dami naman alam." Usal ko habang binabalingan ng tingin ang selpon ni Rhian.
Ilan hakbang nalang nasa at mararating ko na kung nasan si Rhian. Kaso bigla nalang akong napahinto ng makita ko ang isang pusa sa tapat ng pinto.
Nagpabalik balik ako ng tingin sa pusa at pinto. Paano na kaya ngayon? Paano ako makakabalik sa kuwarto kung may itim na pusa?
"What the problem Ms. Freecs?"
Napatayo ako sa pagkakasalampak sa sahig sa pagsumulpot niyang muli. Anong lahi kaya meron sila? Bigla bigla nalang kasi susulpot kung saan-saan. Nakakabigla sila.
Binalingan niya ng tingin ang pusa na nakasalampak din sa sahig pero hindi umaalis sa pinto. Plano niya atang maging security guard.
"Ebony." Tawag niya sa pusa. Naglakad palapit sa kanya ang pusa dahilan para makahinga ako ng maayos.
"Sorry for hindrance Ms. Freecs." Paghingi niya ng despensa.
Tipid na ngiti lang ang naging sagot ko bago tuluyang pumasok.
He known what issue about me and the kitten. He still remember. Mukhang hindi madaling makalimot ang isang Professor Vedalgo.