Umuwi ako sa amin no'n na tadtad ng kung ano-anong tanong sa isipan. Pakiramdam ko wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa mundo ng boyfriend ko. Parang ang clueless ko lahat sa nangyayari sa boyfriend ko. I wanted an answer to all my questions. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako kakaisip ng mga kung ano-ano. Si Jude na akala ko ay makakasagot sa lahat ng sagot ko ay wala rin. So, perhaps I really need to ask Gab himself. Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin, 'di ba? I just wanted to clear some things out. As expected, walang tao sa bahay namin pagdating ko. Dumiretso na lamang ako sa k'warto ko at umupo sa dulo ng kama, hawak-hawak ang cellphone ko. I searched for Gab's name from my phone and placed it on my ear, waiting for him to pick it up. Nang ikatlong ring ay tuluyan

