"Enjoy the rest of the night." Iyon ang huling sinabi ni Jude sa akin bago ako tuluyang nakalabas sa kan'yang silid. Sapo-sapo ko ang aking dibdib habang tinatahak ang daan papuntang hagdan. Ramdam ko pa rin ang dagundong no'n dahil sa nangyari. Kahit ang tuhod kong bahagyang nanginginig ay hindi pa rin yata tuluyang naka-move on. "Oh, my god..." I muttered. I swallowed hard and took a deep breath, calming myself down. Pinilig ko ang ulo ko at bumaba na ng hagdan. Nakaharang pa rin ang iilang tao roon at tila hindi pa rin nababawasan ang mga tao sa baba. Parang mas lalo pa silang naging wild habang lumalalim ang gabi. Napatigil ako sa paghakbang pababa at halos mapako sa kinatatayuan ko nang nakasalubong ko si Allison na paakyat din. Napatitig ako sa maganda niyang mukha pababa sa bla

