Ika-lima

2024 Words
"Goodmorning anak." Kinusot ko ang mata ko at dahan dahan itong minulat. Bumungad sa akon si daddy na malaki ang ngiti kahit pagod ang mga mata niya. He's on travel for a week dahil sa trabaho kaya ngaun lang kami nagkita. "Dad!" Sa sagot ko. Sa gulat ko pa ay napaupo ako bigla at mabilis na yumakap sa kanya. Humalakhak si daddy at marahan hinaplos ang buhok ko. Pumikit ako ng bahagya. Kahit kinuha sa amin si mommy sa murang edad ko. Nagpapasalamat ako dahil pinunan ni daddy ang pagkawala ni mommy. I know sometimes he is sad. Ilan girlfriend naba niya ang dinala dito at pinakilala sa akin pero inaway ko lang lahat. At the end of the day daddy will always choose me. Simula noon, hindi na nagdala ng babae si daddy o ipinakilala sa akin. Years passed that ge raised me alone. Ngaun malaki na ako, may parte sa akin ang nagsisi for being selfish. Pinagkait ko kay daddy to have someone to be there for him. Yung makakasama niya at mag- aalaga sa kanya. But then, I know that I will take cars of him. Yung nga lang, I don't want to be hypocrite. Alam ko naman na dadating ang panahon na pareho kaming magkaka-edad at posible na maghiwalay ang landas. Not just because I will build my own family. Mag kakatrabaho ako or anything else. Humiwalay ako ng yakap sa kanya. "What took you so long?" Ngumuso ako. Natawa si daddy sa akin sabay gulo ng buhok ko. "Kapag ako kausap mo, you always act like a child. You are so pabebe." Natatawang sabi niya. Nanlake ang mga mata ko sa kanya at bahagyang nalaglag ang panga. "Where did you learn that?" Tanong ko. Kumunot ang noo ni daddy sa akin na tila ba nagtataka. "Learn what?" Tanong niya. Umikot ang mata ko sa kanya. "The pabebe word?" Sagot ko. "Only millenials knows that! Ang tanda mo na kaya!" Salita ko. Hindi ko alam kung na-offend ko ba si daddy o ano pero kita ko na hindi siya natuwa sa sinabi ko. "Misan bastos yan bibig mo no?" Sagot niya sabay iling habang natatawa. In the end, tumayo siya. I was so astounded to  see so many papers bag ng brand ng damit at make ups na palagi kong pinapabili sa kanya. "Oh My God!" Napatakip pa ako ng bibig sa sobrang gulat at saya. Dad never failed me! Mabilis akong tumayo at excited na binuksan ang mga paper bag sa loob ng kwarto ko. "Stop being dramatic. As if you don't know that I will buy you  those. Apura ang message mo sa akin." Salita ni daddy. Napatingin ako sa kanya at mabilis na tumayo para yakapin siya. "Thank you daddy!" Salita ko. Dinig na dinig ko ang dahas ng buntong hininga niya kaya kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "Matalino naman ako, pero pag dating sayo uto- uto ako." Naiiling na salita ni daddy  kaya humgalpak ako ng tawa hanggang tuluyan na siyang lumabas ng silid. Nang matapos ako sa home work at naligo na ako at nagbihis para pumasok sa Feast. Hindi naman ako nagmadali dahil alam na alam ko na nagluto na si daddy. Nagbihis lang ako ng mabilis at saka nilugay ang mahaba kong buhok. Naisip ko na nga din mag pagupit pero tinatamad ako. For me, mas matrabaho kase kapag maikli ang buhok mo. You need to blow it dry and brush endlessly hanggang sumunod sa way na gusto mo. Unlike na kapag mahaba ito as in na kahit hindi mo suklayin ay babagsak ito. Pagbaba ko ay mabilis akong pumunta sa kitchen. Tanghali na kase at medyo kumakalam na ang tiyan ko. I was looking for my dad's cooked food when I found nothing. Ngumuso ako at medyo nairita. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na nagtipa. "No food really?" Mensahe ko kay daddy. Asang asa pa naman ako na pagkatapos ko sa sarili ay kakain nalang ako. "Inside the fridge." Reply ni daddy. Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita. "Scam." Sagot ko. Naiiling akong kinuha ang bag dahil naiimagine ko na may ka-date si dadd habang tawa ng tawa ngaun. Ugh! I love my dad and he's all that I have. I know it's kinda bad because I'm being selfish. Binalewala ko nalang ang pag tunog ng cellphone ko. Natuwa naman ako na kahit wala akong pagkain ay napaayos ni daddy ang kotse ko. Ugh! Even if I want to get mad at him. Palagi nalang siyang may pambawi. Binuksan ko ang driver's seat. Medyo natigilan pa ako ng makaramdam ng hapdi sa sikmura. Lately, palagi nalang akong ganito. Hindi ko lang din pinapansin dahil nawawala naman din agad. I decided to go to one of cafe's na malapit lanf din sa Feast. Hindi naman ako kakain ng heavy food dahil tumitikim tikim ako ng niluluto sa Feast. I just felt that I need to feed myself now dahil ala pa akong kain simula kagabi. Palagi nalang akong nalilipasan ng gutom. I know how to cook but sometimes I got a little bit tamad dahil mag- isa lang naman ako. Pag pasok ko sa cafe ay humaliyak ang brewed coffee at amoy ng cinamon. Lalong kumulam ang sikmura sa amoy ng samu't saring pagkain at kape. Pumwesto ako sa dulong parte ng cafe and to my horor. Mukha ni Dominic ang bumungad sa akin. Jesus! Why he is everywhere? Bakit palagi ko siyang nakakatagpo? Parang may kung anong bumaliktad sa sikmura ko habang nakatingin sa kanya habang papalapit sa pwesto. Ayoko naman umtras dahil nakita na niya na ako. Baka mamaya ay mag feeling ito at kung ano pa ang iisipin sa pag atras ko. "Bakit ka nandito?"Bungad niya sa akin. Aba't! Antipatiko! "Bakit? Pag aari mo 'to?" Sagot ko. Umupo ako sa table beside his table at talagang siya ang naging view ko! "Nagtanong ako. Tanong din sinagot mo. Sana okay ka lang." Sagot niya sabay higop ng frappe sa harap niya. Ugh! Umirap ako at tumahimik, hindi na nakipagtalo pa. Pakiramdam ko kase na kahit ano ang gawin ko ay hindi ako talaga mananalo sa kanya. It's just weird that suddenly the place became quiet. Tila ba may anghel na dumaan at nagpatahimik sa lahat. Ang tanging ingay na maririnig mo ay ang bunganga ko sa pagtawag ng waiter para kunin ang order ko. "Waiter please!" I shouted for yhe second time. Medyo nairita pa ako dahil sa lakas ng bibig ko at sa tahimik ng lugar ay kailangan ko pang ulitin ang pagtawag ko. "Coming!" Sigaw ng isang lalake na may kung anong binabasa sa Ipad niya. Okay.. kalma Athena. Kahit ang totoo ay gusto kong pumunta sa gitna at bugahan sila ng apoy. "Can you wait until they come to you? Masyado kang maingay." Salita ni Dom na hindi ako tinitignan. Napatitig ako sa kanya. He seem so calmed pero kumukunot paminsan minsan ang noo niya sa habang nagsusulat at may kung anong inaaral. Napansin ko din ang mga magazine sa side niya. I was curious because most of the magazine is for cafe designs. Ilang minuto ang lumipas ay nakuha na din ang order ko. Umorder lang ako ng milktea at fries. Patuloy ang pagtingin ko sa ginagawa ni Dominic ng hindi ko na makayanan ay lumapit ako sa kanya. "Fc," he said pagkaupong pagkaupo ko palang. Binalewala ko iyon. Napanganga pa siya ng hablutin ko ang papel na sinusulatan niya. Nagisisi pa ako kung bakit ko iyon inagawa. Medyo sumakit ang ulo ko sa dami ng number at computation. It was like a proposal or plan na hindi ko naman alam kung para saan o para kanino. Natigilan ako ng mapansin ang galit niyang mata na nanatili sa akin. Nag-igting pa ang panga niya ng ulit ulit kaya medyo napalunok ako. He is so serious na pati ang tapang ko ay tila ba nilipad na ng hangin. "Sorry," I said. Binalik ang inagaw na notepad sabay ngumiti ng hilaw sa kanya. "Pakielamera ka talaga no?" Salita niya. Maingat niyang niligpit ang notepad kasabay ng mga papel at magazine sa tabi niya. "I was just curious!" Depensa ko. Kahit ang totoo ay nahihiya ako dahil tama siya na medyo may pagkapakielamera ako sa part na un. Manghang mangha ang mga mata niya na hindi ko mapaliwanang habang nakatingin sa akin. Dumating ang order ko at sa table na iyon ni Dom dinala. Humalimuyak ang fries kaya nagrambol rambol ang bituka ko. Humigop ng kape si Dom. Dahil magkatapat kami. Hindi ko alam kung paano ako magisismula kumain. He then leaned forward me. I mean, his face. Umabante ito na halos magtama na ang ilong namin. Kumalabog ng usto ang dibdib ko. Mas matindi pa sa pagwawala kaysa sa kumakalam na sikmura ko. I can smell his minty breath kaya lalo akong nawala sa sarili. Nag tama ang mga mata namin. Palaban niya akong tinitigan samantalang ako ay parang hinihigop na ng lupa sa panghihina. "Still curious?" He asked. Ganun pa din ang posisyon namin dalawa. Parang gayuma ang hininga niya na parang gusto ko nalang pumasok sa loob ng bibig niya. Natulala ako. Nagulat nalang ako ng pitikin ni Dominic ang noo ko. "Aray naman! Bakit ba nanakit ka?" Salita ko habang himas ang noo na pinitik niya. Ngumisi siya at humalukipkip habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. "See? I just made you back to reality." Mayabang na sabi niya. Ramdam ko na may panunuya ang salita niya kaya naiinis ako. Pakiramdam ko ay nalamangan niya ako sa mga oras na ito. "Feelingero! I was just bored." Umirap ako. He chuckled and then hold his chest at umarte na tila ba nasaktan. "Ouch! So ginamit mo lang ako?" He said. Nalaglag ang panga ko at naramdaman ko lalo ang pag iinit ng pisngi. Ang dami dami talagang alam ng lalake na 'to! "Gago!" Natawa nalag ako at binato siya ng fries na kinagulat niya. At the end, binato niya din ako ng tinapay sa side niya kaya nagbatuhan kaming dalawa habang tumatawa. "Jusko po!" Sigaw ng manager ng cafe. Pareho kaming natigilan ni Dominic. Lumibot pa ang mata ko sa paligid. Gusto ko nang ipaubaya sa lupa ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Tila ba tumigil ang mundo ng mga tao sa loob ng cafe at kami nalang ang tinignan. There were some taking videos kaya umiwas ako ng tingin. s**t! "Who will clean that?" Sigaw ng manager. Nagkatinginan kami ni Dom. He seemed si relax habang ako ay medyo natataranta. "I'm going to pay---" sagot sana ni Dom ng umiling ang manager sa kanya. "We don't need you to pay this. As you can see we are lack of staff today." Salita ng manager. "Then what do you suggest?"  Sagot naman ni Dom. Kung kanina ay tila nakikipaglaro siya ay hindi na ngaun. Sumeryoso na siya. "You two should be the one to clean this mess." Sagot nito. Medyo nakakatakot pa naman siya dahil malaki siyang babae na may katabaan. She's so scary and you can feel her being an alpha female. "What?" Sabay namin sigaw ni Dom. "Are you serious?" Sabay ulit namin sabi. Nagkatinginan pa nga kami pero dahil sa situation ay hindi na namin nakuhang tumawa. Tumikhim ang manager at inayos ang sleeve ng blouse niya." Mukha ba akong nagbibiro?" She said. Her voice is full of authority na para siyang teacher na kapag hinid kami sumunod ay ibabagsak niya kami. Mahinang nagmura mura si Dom. Wala na kaming nagawa kindi sundin ang utos ng manager. People still looking at us shamelessly kaya lalong nakakahiya. Nagpunta kami sa maintenance room. "After you finish cleaning you are free to go." The manager said and turned her back on us. "This is ridiculous." Salita ni Dom habang hawak ang mop at timba na may laman tubig. Kumuha ako ng basahan at tumalikod sa kanya para ipusod ang buhok. "Kasalanan---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong nabasa. Umagos ang tubig sa mukha at katawan ko. I turned to Dom who is laughing exxagerately. "Dominic!!!!!" Sigaw ko at saka ko siya hinabol para batuhin ng basahan na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD