Kabanata 2

2003 Words
DICLAIMER: I would like to remind you guys that this is the new version of When He Falls. You can read the old version just go to my profile. Please don't put your comment if you see anything na mali or errors. Magulo din ang old version kasi ginawa ko iyon way back on college at hindi ko pa iyon na-e-edit hanggang ngayon. I posted here because some readers still wants to read it. Pero kung hindi ka fan ng errors at typos better leave the old one. Thank you!     Madilim na ang langit pagkababa namin ni Javier. Mabuti na lang natapos namin ang lahat ng plates na pinagawa sa amin ni Architect Pablo. Sabay kaming naglalakad sa madilim na corridor. Nagtayuan ang balahibo ko ng humaplos sa balat ko ng malamig na pang-gabing hangin. Niyakap ko na lang ang sarili ko dahil wala akong dalang jacket ngayon. "What?" I asked him when he stop walking. He open his backpack and looking for something inside of it. "May jacket ako dito. Wait lang," he said. "No, I am okay. Kaya ko pa naman ang lamig." I said but he insisted. Umiling ako nang siya na mismo ang nagsuot ng jacket sa akin. "Thanks." then we started walking again. Lumalamig na ang simoy ng hangin sa gabi dahil papalapit na ang ber-months lalo na dalawang linggo na lang bago pumasok ang Septyembre. Nakalabas na kami ng building. Nang nasa field na kami kitang-kita mula sa kinatatayuan namin ang dami ng ilaw at mga taong nagkakasayahan. Today is the foundation day of Del Franco University. Masaya kaming naglakad ng sabay ni Javier dahil sa dami ng iba't-ibang booth na pinatayo ng department and organization just to celebrate the foundation day. Maraming estudyante ang nagkalat. I can see that they are enjoying the event sa kabila ng mga academic activities na gagawin pa rin. "I'm starving! Nastress ako sa dami ng pinagawa ni Architect. Papatayin ata tayo!" sambit ko na nagpatawa kay Javier. "I heard that he's usually like that. Nasabi sa akin ng mga fifth year architect student na nagdaan sakanya," I rolled my eyes when he said that. Kahit naman madaming gagawin he can do it all dahil siya lang naman ang pinakamagaling sa batch namin. He's a Deans' Lister at presidente pa ng United Architects of the Philippines Student Auxiliary ng Del Franco. "Kahit naman madaming pinagawa, ikaw palagi ang unang nakakatapos kung hindi naman ikaw ang palaging mataas ang nakukuha sa mga activities." nagtawanan kaming dalawa. He patted my head saka ginulo ang buhok ko. Kinurot ko siya tagiliran dahil doon ang kahinaan niya. "You know what we should find something to eat," sambit ko. Hinila si Javier sa isang food stall na malapit kung saan corndogs ang tinitinda nila kaya natakam ako dahil sa gutom ko. "Dalawang corndog," si Javier na ang nag-abot ng bayad sa isang estudyante habang ang isa naman ay nag-aasikaso ng binili namin. "Miss, ito na lang," babawiin ko pa sana ng ibinayad niya pero umiling si Javier sa babae kaya hindi nito kinuha ang pera ko. "I should pay for my food atsaka 'di ba nag-iipon ka?" I asked him. "Just let me. Atsaka mura lang naman 'to, it won't hurt my wallet." we both laughed. This is what I like about him kasi napasimpleng tao at sobrang bait pa. "Whatever!" sambit ko. Kinuha ko na ang corndog sa babaeng. I smiled to her pero inisnab lang ako. Aba! Anong problema niya?! Tatarayan ko na sana ang babae pero hinila ako ni Javier para makalayo sa food stall at makaupo sa isang bench. Humalakhak siya sa nangyari. Tinignan ko siya ng masama kaya natigil siya. "Ang taray! Aray! Anuba!" Tumawa siya ng malakas habang kinukurot ang pisngi. Inabot ko ang tagiliran niya sabay kurot doon. "Aray!" nakasimangot siyang tumingin sa akin pero kalaunan ngumiti ng nakakaloko at biglang nagpapacute! "Mukha kang aso! Tigilan mo nga yan!" I said. Pumikit ako ng mariin dahil inilalapit niya ang mukha niya sa akin. Tawa kami ng tawa dahil sa kalokohan niya. Kapag ganito kaming dalawa ay parating may nagsasabing may something sa aming dalawa pero ang totoo, magkaibigan lang talaga kaming dalawa. I question myself why I am not attracted to him pero wala akong nakuhang sagot siguro dahil kaibigan lang talaga o parang kapatid na ang turing ko sakanya. Tinignan ko si Javier ng maigi. Ang buhok niyang isinasayaw sa bawat paghampas ng hangin, ang kilay niyang makapal, mata niyang kulay tsokolate, ilong niyang matangos at labi niyang mapula at manipis siguradong kahit na sinong babae ay magugustuhan siya lalo na kapag nakilala nila ang tunay niyang ugali. There's an invisible light bulb appears on my mind. I already told this to him many times but he doesn't want to do it. Palagi niyang sinasabi he's not into a relationship muna o kaya ayaw niya ang mga babaeng inirereto ko sakanya. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya dahil nararamdaman kong may nagugustuhan siyang babae pero ayaw niya lang sabihin sa akin. "Bakit kaya 'di mo ligawan yung maganda sa civil engineering department na si Gwynette?" I said. Natigil siya sa pagtawa kaya tinaasan ko siya ng kilay saka ngumiti ako ng malawak sakanya. "Ano na naman ang binabalak mong gawin?" tumawa ako ng malakas sa sinabi niya. Last time nung inireto ko siya sa kaibigan kong si Jonah na kaklase din namin ay hindi siya nito sinipot. "It's been years noong huling blind date mo!" nilagyan ko ng diin ang bawat salitang binitawan ko para maconvince ko siya ngayon pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Kinagatan na lang niya ang corndog na hawak niya. "Maganda at member ng cheering squad yung si Gwynette atsaka anak 'yon ng may-ari ng Del Franco. Atsaka balita ko gusto ka niya." humarap siya sa akin at umiling lang. "I don't like her." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya! Literal na nalaglag! I can't believe him! Gwynette is gorgeous and smart too tapos ayaw niya! "Why?" I am a bit frustrated when I said that because I want to know why he doesn't like Gwynette. "Because I like someone else." he simply said. Ngumiwi ako sa sinabi niya. Sino naman kaya 'yon? "Who?" lumapit ako sakanya. Tumawa siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "I am your bestfriend! Tell me who's the lucky girl?!" hysterical na ako pero wala ata siyang balak sabihin kaya niyugyog ko ang braso niya. "It's a secret and besides you don't know her," sinimangutan ko siya. Ginulo niya ang buhok ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Don't you ever touch a girl's hair! You moron! "Siguraduhin mong kasing ganda ko 'yan." pagkasabi ko 'non ay nag-iwas siya ng tingin na tila'y nahihiya siya. Bumungisngis ako nang makita ko ang pamumula ng mukha niya. Natigil ako sa pagtawa ng nag-ring bigla ang cellphone ko na nasa loob ng bag. Kukunin ko na sana ang cellphone when mom appeared in front of us. Nagulat ako sa biglang paglitaw ni mommy pero nakabawi din ako dahil nagtataka ako bakit siya nandito. Pero saka ko lang napagtanto nang makita ko ang tingin niya kay Javier. "Ito ba ang sinasabi mong pupunta ka ng library? I can see that you're busy here." mom said with a sarcastic tone. "We're done doing our plates mom. Actually, katatapos lang po namin." kinakabahan na ako sa maaring masabi ni mommy sa harapan ni Javier lalo na't ayaw niya ito. "I see, kaya pala 'di mo sinasagot ang tawag ko." she darted her eyes to me. It's filled with anger. Nag-iwas ako ng tingin kay mommy at ibinaling ko iyon kay Javier na nakatingin din sa akin. "I'm sorry," I mouthed to him. "You're Javier Dela Cuesta, right?" sabay kaming napatingin ni Javier kay mommy. "Siguro naman kilala mo ang pamilya namin and you know that we can do what ever we want," umiling ako sa sinabi ni mommy kaya bago pa niya madagdagan ay tumayo na ako. "Mom stop it!"may diin ang pagkakasabi ko. "Stop what Marga? Are you hearing yourself right now?!" galit na ang boses ni mommy nang tumingin siya sa akin. She shifted her sight to Javier and there she goes, her eyes that speaks with dagger. "You're wrong about him! He's my friend! Hindi siya masamang tao kaya tigilan niyo na 'yan!" I beg to her but mom didn't her I just said and she isn't seeing whose a bad person here. Sa mata pa lang ni mommy ay determinado siyang sabihin ang masasakit na salita kay Javier. Tulala lang si Javier na nakatingin sa amin ni mommy. Hindi niya magawang magsalita. He knows about my family's belief at alam niyang ayaw ng mga magulang ko ang maging kaibigan siya. Hinusgahan nila si Javier dahil mahirap siya at ayaw nilang nakasama ko siya. "Wrong? Me? I know this kind of people Margareth! Ang katulad niya ay mga magnanakaw at mangagamit para lang maiahon ang sarili sa kahirapan!" rinig na rinig ang galit na boses ni mommy kaya ang ibang dumadaan ay napapatingin sa amin.  Tinignan ko si Javier and I can see him hurt from my mom's words. Pumikit ako ng mariin dahil anytime babagsak ang luha sa mata ko. "I'm sorry Ma'am," he said. Napamulat ako sa sinabi niya. I feel his sadness. I feel him hurt.  "Javier you don't need to say that. You're not in fault!" I said with frustration. I want him to shut up because it's not his fault at hindi niya kasalanang naging mahirap siya. Hindi niya rin kasalanang ganito mag isip ang magulang ko. Hinarap ko si mommy para tigilan na niya ang pagsasalita pero walang makakapigil sakanya.  "Hindi ka bagay sa anak ko. Hindi kayo bagay! Isa lang ang gusto kong tandaan mo. Kapag nakita kong kasama mo siya you know what will happen to you!" bumuhos na ang luha ko dahil sa matinding galit kay mommy. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon pagod, galit at higit sa lahat hiya para kay Javier. "Mom! Pwede ba?! Stop it!" sumigaw na ako para tumigil lang si mommy. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa tindi ng frustration ko sakanya. "Its okay Marga, it's my fault."  "Hindi mo kasalanan! Wala kang kasalanan! You're my friend and there's nothing wrong being friends with you!" umiling siya sa akin. Nalaglag ang isang butil ng luha mula sa mata ko hanggang sa humihikbi na ako.  Bakit palaging siya ang nagkokompromiso sa sa ganitong bagay? Kanina kay Tyron, ngayon naman ay kay mommy! I don't want to lose him! Siya na lang ang totoo kong kaibigan! "Mom! You're being unreasonable! You and dad is being unreasonable! Can't you see? Javier is not a bad person! Bakit kayo ganyan?!" nagiging hysterical na ako dahil sa nangyayari. I cant't lose Javier right now!  Sabi nga nila minsan masama ang sobrang kabaitan dahil dahil aabusuhin ka lang. ito ang nangyayari kay Javier. He can't fight back because he's a good person. He can't fight back because he knows if he'll fight siya lang din ang talo. Life is unfair! "It's for your own good Margareth! Hindi ka pwedeng sumama sa katulad niyang hampaslupa! Ikaw! " dinuro duro ni Mommy si Javier. Pinigilan ko siya sa ginagawa niya pero hindi nagpatinag si mommy. She's strong and angry! "Mom! Stop it!" Hindi matigil ang luha ko. Wala akong lakas para punasan pa ang mga ito. Nakatingin si Javier sa akin ng may lungkot ang mga mata. "Hindi siya nababagay sa katulad mo! Iwasan mo siya dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo!" Nanlaki ang dalawang mata ko sa binitiwang salita ni mommy. Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Lets go!" She started walking and I left behind standing still in front of Javier.  He look me in the eyes full of pain and sadness. I'm sorry Javier if you need to go through that situation pero hindi ka dapat humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan! "Umuwi kana." tumayo siya sa harap ko. Using his index fingers he wiped away my tears. Mas naiyak ako sa ginawa niya. "I'll be okay. Okay?" Ngumiti siyang may lungkot sa kanyang mga mata. Umiling ako sakanya. He's not okay! "Marga! Lets go!" I heard mom shouted my name. Hindi ko siya nilingon. All I see is Javier's eyes in sadness."Go home." Pagkasabi niya'y tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD