GRRRRRRR! Parang ipinanganak na muli si Leonora nang ma-overpower niya ang catatonic state ni Ana ay makalabas siya sa pagkakakulong ito sa kanyang isipang gusto nang tuluyang magsara. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng mga nakapaligid sa kanyang hospital bed. Buti na lang at sa kung anong dahilan ay biglang tila nagkaroon ng desire si Ana na lumabas sa kanyang mental coma, pero bago pa ito maka-bwelo ay na-take over niya ang katawan nito.
Ramdam niya ang sakit ng katawan nang magpilit siyang bumangon para sugurin ang mga kalaban. Tanggal ang swerong nakakabit sa kamay at tuwang-tuwa siya nang tumalsik ang dugo. It felt like she was flying again, just like before. Nung naramdaman niyang lumipad siya palabas ng kotse matapos bumangga ang ulo sa dashboard at lumagapak siya sa sementadong gutter.
I'm alive! Yes! I'm freakin' alive! tahimik na sigaw ni Leonora sa kabila ng halos madurog niyang buto at dugong mauubos na. Gustong-gusto niya ang mga natatarantang tao sa paligid, yung hindi mo malaman kung takot o concern sa ginagawa niya. Bumalik sa kanya ang alaala ng gabing maaksidente sila sa highway.
Initially ay may confusion at takot si Ana, pero the moment naramdaman nitong sobrang dikit niya sa kamatayan ay noon lumabas ang persona niya. Si Leonora, ang pinakamatapang na katauhan ni Ana. Pag-untog niya sa dashboard ay nagpanic si Ana sa dami ng dugo, noon ito nag-shut off. Noon lumabas si Leo, the lioness. Pagtilapon niya sa gutter ay manhid na siya, tasting her own blood and loving it.
The fire of anger in her overpowered any pain in her body. May in and out moment, lumalaban si Ana sa tuwing kumakalma siya, pero sa dulo, dahil sa kanya buhay sila. Nanatili silang buhay hanggang ngayon, kahit muntik na. Muntik na silang mawala dahil sa lalaking demonyong binulabog ang kanilang tahimik na buhay.
Yet, grateful siya. Ilang buwan o taon din siyang nanahimik. Sa tuwing nati-trigger si Ana ng galit ay lumulutang siya at nakakawala, pero dahil natutunan ni Ana ang i-manage ang emosyon ay na-itsapwera rin siya. Hindi niya rin gusto na palaging safe si Ana, maganda ring namumuhay ito sa danger. Nasobrahan lang ang nangyari sa kanila dahil sa lalaking nangahas gisingin ang leon sa pagkatao ni Ana.
Ngayon, hinding-hindi mo na ako mapapatulog. You will taste my wrath! Hahanapin kita, kahit san ka pa naroroon! Naulirat si Leo sa pagkakahablot sa paramedics na katulong nila Doc. Amihan para pakalmahin siya.
No!!!! Nakita ni Leo na may ituturok na pampakalma sa kanya ang doktor na naalala niyang nag-opera sa kanya noong in and out din ang consciousness niya sa operating table.
"I will kill you! YOU! I WILL KILL YOU!" sa wakas ay natagpuan ni Leo ang boses niya at naisigaw ang gustong sabihin.
"Leo!" sigaw ni Dok. Amihan na nakayakap sa kanyang likuran.
Don't meddle, Dok or masasaktan kita! pumalag si Leo pero hindi niya magawa. Malakas ang pulis at ang paramedics na nakahawak sa kanyang mga kamay.
Noon niya narinig ang bulong ni Doktora. Ayaw man ni Leo ay kumalma siya. NO!!!! Let me stay! Let me stay!
"Ma, it's working...nagbabago ang amoy niya," sabi ni Raina.
Muling nag-apoy ang galit ni Leo, pinagtutulungan siyang ibaon ng mag-ina. Sleeping inside Ana's thoughts is worse than death! Noon sinakal ni Leo ang paramedic na nagkamaling bitiwan siya.
"Ahhhh!" pinagbabasag ni Leo ang mga nakitang gamit sa kwarto. Takbo ang nanay niya para alamin ang nangyayari.
"Ana, what are you doing?" nahihintakutang tanong ni Alice sa anak.
"Ma! Nasan ang gear ko dito para sa boxing? s**t naman eh, pinaki-alaman na naman kasi!" nakasigaw si Leo na hindi alam ng ina dahil si Ana lang ang tinuturing nitong anak.
"Eh, ibinasura mo lang nung isang buwan...sabi mo eh..."
"WHAT?!" nanlisik ang mga mata ni Leo habang nakatingin sa ina.
Napaatras si Alice sabay tawag sa asawa na nasa baba ng kanilang coffee shop. "Sherwin! Halika nga tulungan mo ako kay Ana, saglit..."
"Leo!" Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong, Leo ang pangalan ko, Ma!" nagpatuloy si Leo sa pag-trash ng sariling kwarto hanggang makita nito ang mga make-up sa dresser at ang itsura niya sa salamin.
"Waaaaaahhhhhh!" pinunasan ni Leo ang naka-make up na mukha at saka inalis ang burloloy sa ulo niyang naka-curl ang buhok. "Who did this to me? Pinaglalaruan nyo ba ako? Put...naman eh, paano ako maglalaro ng basketball na ganito ang itsura ko?"
"Bakit?" ang ama ni Ana na si Sherwin ang umakyat para alalayan ang ina. May tungkod ito na dahil sa aksidenteng naganap sa kanilang ilang buwan na ang lumipas.
"Kwan.. ang anak mo... si A...Leonora..." sabi ni Alice na natataranta.
"Pa! Ano bang nangyayari kasi? Asan ang mga gamit ko?!" sigaw ni Leo sa ama.
"Nasa kabilang kwarto...hindi mo silid ito, Leonora. Sa kapatid mo itong si Terry..." sabi ng ama na mabilis nakarecover at tinaasan din ang boses. Tumiklop naman si Leo, may respeto at takot pa rin sa ama.
"Halika at dun tayo sa basketball court na pinagawa ko para sa inyo ng kuya mo sa likod bahay." Aya ni Sherwin sa anak. Pinisil nito ng akbay ang asawa na naiiyak na.
"Ako na ang bahala, dun ka na sa tindahan," sabi nito sa asawa.
Naupo si Leo sa kama nitong punong-puno ng ikinalat na gamit. Sinapo nito ang ulo at pilit pinapakalma ang sarili.
"Anong nangyayari, Pa? Hindi ko maintidihan!" nagngingitngit sa galit si Leo pero nilalabanan bilang respeto sa ama nito.
"Isang buwan kang nawala..."
"ANO!?" nanlaki ang mga mata ni Leonora. "Paaanong!" tumayo na naman ito at sinuntok ang pader. Sugat ang kamay nitong duguan. Watching the blood, regulate her anger. Ibig sabihin ay magtatagal siyang gising at kung pwede ay hindi na siya muling matutulog.
"Pa?!" pasok ang kuya ni Leo, nag-aalala.
"Kuya!" sabik na tumayo si Leo nang makita ang kapatid na panganay.
"Tol, kamusta? Long time, ah!" lumapit ito at sinuntok sa balikat ang kapatid.
"Ako na ang bahala dito, Pa..." sabi ng kuya ni Leo.
"Ano? Suntukan tayo?" aya ni Franco
"Gym? Tara!" galit pa rin si Leo pero ramdam niyang nabubuhayan siya ng loob.
"Tinago ko ang mga gamit mo," inakbayan ni Franco ang kapatid. May sayang gumuhit sa puso ni Leo pero napaigtad siya para labanan ito.
"Hindi! Ahhhhh!" bumalik si Leo sa ospital, habang patuloy sa pagbulong sa kanya si Doktora Amihan.
"Stay, Leo... hindi kita pinapaalis kaya wag mo akong labanan!" sigaw pabalik ni Doktora amihan. "Bitiwan mo siya!" inalis ni doktora amihan ang kamay na nakasakal sa halos hindi makahingang paramedic na nagligtas sa kanya. Nakita ni Leo na papatayo ang pulis na naihagis niya sa isang sulok ng kwarto. Hilo-hilo pa ito sa lakas ng impact ng pagbangga niya sa pader. Grabe ang lakas ni LEo kapag nagagalit ito.
"Hindi ako aalis doktora. Subukan mong paalisin ako at malilintikan ka..."
"Everybody, iwan nyo muna kami."
Patakbong lumabas ang paramedic na animo'y namumutla sa takot. Hindi naman tumanggi ang doktor matapos masigurong walang sugat ni Leo ang bubukas.
"PEro doktora..." Ang pulis na si Umali ang tumanggi. "Kailangan ko siyang kunan ng statement..."
"Kahit ikamatay mo?" itinuro ni Doktora Amihan ang noo nito.
Kinapa ni Umali ang mainit na likidong tumulo sa kanyang noo. Napuruhan siya ng sugat sa kalmot o suntok ng nagwawalang pasyente, hindi niya namalayan.
"Kami muna ni Mommy ang makikipag-usap sa kanya...pag kalmado na ang lahat, tatawagin ka namin..." sabi ni Raina.
PEro matapang na lumapit si Umali, tinitigan nito ang mga mata ni Leo na kalmado na.
"Pagbibigyan kita ngayon. Pero tandaan mo ang mukhang ito, mag-uusap tayo." matigas na sabi ni Umali, pero bago siya makalayo ay kinapitan ni Leo ang binata sa braso.
Napalunok si Umali, iba ang hawak ng pasyente sa kanya. Bagay na kinabahan siya.
"At sino ang may sabi sa iyong pwede kang umalis at iwan ako?" lumambing ang boses ni Leo sabay hagikhik nito.
"Oh, crap!" napalo ni doktora Amihan ang sariling noo. Napabuntong hininga naman si Raina, this will gonna be a very long day for them.