Chapter 4 Big Boss Yummy No.2

2013 Words
(Nayumi’s Office) Ilang oras din nag hintay sa loob ng Office ni Nayumi ang mag kakaibigan at dahil walang lumalabas na Big Boss Yummy No.1. Bumalik na sa kanya-kanyang office sina Ms.Vena at Johny para simulan na ang pagtatrabaho. Sinimulan na rin si Nayumi ang kanyang ginagawa. Hindi alam ng tatlo na binabantayan sila ni Ms.Dole at hinintay lang nito na maka labas sa office ni Nayumi sina Ms.Vena at Johny. Sigundo lang ang pagitan at biglang nag ring ang Bell sa pinto ng Office ni Nayumi. Binuksan ni Nayumi ang pinto at nakita nito si Ms. Dola na may dalang mga makakapal na papel. Binigyan na naman sya nito ng mga bagong itatrabaho. Pinakiusapan din ni Nayumi si Ms. Dola na kung pwede ma-late ito sa pag pasa ng kanyang mga designs. “ Okay, lang basta matapos mo this week. If kaya mo..mag double time ka. Sya nga pala nandito si Boss Alessandro, Sabihin ko daw sayo na magaganda ang gawa mo. Pumasa sa panlasa ng mga mayayamang kliyente.” Sambit ni Ms. Dola kay Nayumi. Ang hindi alam ni Nayumi pinapasa sa kanya ang lahat ng trabaho na dapat hati sila. Hindi totoo na pinuri si Nayumi ni Big Boss Alessandro, Gawa-gawa lang ito ni Ms. Dola. Hinuhuli lang ni Ms.Dola ang muka ni Nayumi kung may bahid na kilig o pagkagusto kay Big Boss Alessandro. Hindi nito inaasahan ang reaksyon na nakita nya mula kay Nayumi. Nasanay kasi Ms.Dola na halos lahat ng babae na nakakatrabaho nya ay nahuhulog kay Big Boss Alessandro. Ang hindi nya alam hindi pa nag tatagpo ang landas ng dalawa. “Oh sya! Mas galingan mo pa. Hinihintay na ako ni Sir. Alessandro.” Sabay alis sa office ni Nayumi si Ms.Dola. Habang tinitingnan ni Nayumi ang bagong projects na binigay sa kanya ni Ms. Dola biglang may naalala ito na nakalimutan nitong itanong kay Ms. Dola kaya naman tumakbo ito ng mabilis para maabutan si Ms.Dola. Pag bukas ni Nayumi ng pinto saktong nasa harap nito si Big Boss No.2!. Nasubsub ang muka nito sa matigas na matigas na dibdib ni Big Boss No.2! Ka-sabay nito ang pag dampi ng mapupulang labi sa noo ni Nayumi at sabay hawak nito sa dalawang braso. Sya si Sir. Ajax o Big Boss Yummy No.2!. Ang gitna sa mag ka-kapatid. Isang popular Athlete sa UK. Very strong but sweet. Binitawan na nito ang mga braso ni Nayumi at inalalayan para hindi ito matumba. “Sir! I’m sorry po! Hindi ko po sinasadya!” Habang naka yuko sa sobrang hiya sa sarili ni Nayumi. “It’s Okay! No worries.” Habang naglalakad si Sir. Ajax papasok sa Office ni Nayumi. Bukod sa meron itong Athletic na katawan meron din itong sexy husky voice na bagay-na bagay sa kanya. Nakatayo ito at naka-harap sa malawak na glass window sa office ni Nayumi. Na parang ini-enjoy ang panoramic view nito. “I’m so glad to finally meet you!. When the first time I saw your CV I was very impressed. So I talked to Ms. Vena and told her to hired you.” Sabay harap nito kay Nayumi. “Have you met her before? She’s nice.” Hindi maka-tingin ng deretso si Nayumi. Hindi rin nya alam kung ano ang isasagot nito sa mga sinabi sa kanya ni Big Boss Ajax. Nagulat din sya na si Ms.Vena pala ang naka-usap nya noon sa telepono. “Thank you Sir Ajax, Yeah i know her.” Halatang kinakabahan kaya naman pautal-utal pa ito kung mag-salita. “Good!. I hope you have a great day. Work hard and have fun.” Huling salitang maririnig sa mala-husky nitong boses bago lisanin ang office ni Nayumi. Hindi maipaliwanag ni Nayumi kung ano ang kanyang nararamdaman. Nakakamangha naman kasi ang kagwapuhan ni Sir. Ajax. Dahil oras na din para mag lunch, Kinuha ni Nayumi ang kanyang bag at lumabas para makipag kita sa mga kaibigan sa staff lounge ng powerhouse designs. Nang makarating sa Staff lounge. Nakita na nyang magkasama si Ms.Vena at Johny. “Hi gurls! Hows your day, Stressful ba?” Nang batiin at tanungin ni Johny ang mga kaibigan. “Ito mahaba-habang meeting with Sir. Ajax.” Sagot ni Ms.Vena kay Johny. Sinabi ni Nayumi sa mga kaibigan na alam na nya ang dahilan kung bakit Big Boss Yummy No.2 ang tawag kay Sir. Ajax. Ibinahagi nito sa mga kaibigan ang pag punta ni Big Boss Yummy No.2 sa kanyang Office, habang umiinom ng mainit na Tea. “Pahingi nga ng Ti-Tea—!! Yung mapapa-init ang buong katawan ko!! Para sa kaalaman mo may lima kaming anak ni Sir. Ajax! Nayumi.” Pabirong sambit ni Johny. Sinabi rin ni johny na bakit kailangan pang personal syang puntahan ni Sir. Ajax kung nandyan naman si Ms. Vena na kanyang personal assistant. Sobra na-ingit ito kay Nayumi. Natawa si Nayumi kaya naman biglang nasamid sa Iniinom nitong tea. Tumalsik ito ng sobrang lakas na ikina dumi ng kanyang maputing damit. “Baliw ka talaga! Wala akung dalang extra shirt! Bakla ka!” Pasigaw nito kay Johny. Tawang-tawa ang mga taong naka-kita sa pangyayare. “LIMANG ANAK—?!” Muka mo johny! Hindi ako papayag na ikaw ang pipiliin sa ating tatlo”. Pabirong salita ni Ms.Vena. “Malamang ako ang pipiliin ng tatlong magkakapatid. Bukod sa masikip—-Nag ii-smile pa tong akin!!.” Pabirong sinabi nito sa mga kaibigan at sabay bagsak ng kanyang stainless steel tumblers na kulay pink sa lamesa. “Kadiri ka johny!! Sumasakit ang ulo ko sayo!. Tama na! sinisikmura tuloy ako.” Pagmamakaawa ni Nayumi. Habang si Ms. Vena at Johny ay merong namumulang muka dahil sa walang hinto nitong dalawa sa kakatawa. Nangmatapos nang kumain ng tatlong magkakaibigan. Nagpaalam na sila kay Nayumi at bumalik sa kanya-kanyang trabaho. “I really need to go to the restroom. I’ll see you guys soon!.” Habang namamadaling umalis si Ms.Vena. “Osya mauna na din ako sayo, Joke lang yun ahh— baka seryosohin mo.” Pumunta na din si Johny sa kanyang Office para ituloy ang pag tatrabaho. Bumalik na rin si Nayumi sa kanyang Office para tapusin ang last na project na idedesign nya. Laging pumapasok sa isip nya ang mala hollywood star na si Big Boss Yummy No. 2. Maaga rin itong natapos sa trabaho. Maagang umuwi sina Ms. Vena, Johny at Nayumi. Tuwing oras ng uwian sa parking lot ng building ang huli nilang distinasyon. (Parking lot) “See yah tomorrow Dreamers!.” Magkasabay umalis sina Ms.Vena at Johny na may kanya-kanyang sasakyan. Naiwan namang naglalakad palabas ng building si Nayumi pinupunasan nito ang kanyang nadumihang damit. Sa hapon maingay ang parking lot area, Dahil sa sabay-sabay nag uuwian ang mga empleyado. Pero nung hapon na iyon may kakaibang tunog na umagaw pansin kay Nayumi. Isang kulay puting Ferrari 458 Italia ito lang naman ang pinaka mahal na sasakyan sa Pilipinas. Nag kakahalagang 22,000,000Php. Dumaan ito sa gilid ng hallway kung saan nag lalakad si Nayumi. Huminto at binuksan nito ang driver’s side window. “Hey! What happened to your shirt?” Tanong ng isang lalaking nakasuot ng Chopard De Rigo Vision sunglasses. Ipinaliwanag ni Nayumi na natapunan sya ito ng Tea. Nahirap din nitong kilalanin ang lalaki sa loob ng Ferrari dahil sa bukod na naka salamin ito, madilim din ang loob ng sasakyan. “Ohh…It’s you!. Well, try to be a little more careful next time!.” Hindi sya nag tagal at umalis na rin ito. Hinarurut ang sasakyan. Kahit na madilim makikitaan parin ito ng kagwapuhan, Enough para mabaliw ang mga babae sa kanya. Hindi nabighani si Nayumi nung nakita nya si Big Boss Yummy No.1. Siguro dahil madilim at nakasalamin ito. Ito rin ang araw na tumangap si Nayumi ng unang sahod mula sa kumpanya. Sumakay sya ng taxi papunta sa Supermarket malapit sa kanyang trabaho, Na kung saan nag hihintay ang kanyang mga magulang. Sinimulan na nila ang pamamalengke. May ibat-ibang klasing dilata, gatas, hygiene kit, Mask at sako-sakong bigas. Naisipan din ni Nayumi na mag lagay ng pera sa sobre para sa mga seniors citizens na may mini-maintenance na gamot. “Maraming puso ang matutuwa sa galak! Ngayong gabi Anak. At Isa na rin ako dun.” Maligayang-maligaya ang Ama nitong si Ben habang hinahakot ang mga nabili sa nirent nitong jeep. “Kasya pa ba?! Marami-rami pa tong nasa labas.” Tanong ni Ben kay Manong Driver. “Kasya pa! Yun nga lang hindi na kayo makakasakay.” Sagot ni Manong Driver. At Dahil hindi na sila mag-kakasya sa loob ng jeep, Nag booked ng grab si Nayumi. Wala pang limang minuto dumating na ang taxi. Alam ni Mary ang pasikot-sikot sa Siyudad ng Manila. Kaya naman napansin nito na hindi papunta sa San Isidro ang taxi. Ito ay dahil mag hahapunan sila sa “Eat All You Can” Isang malaking Traditional Pilipino Food Restaurant sa Manila. Nagulat ang mag asawa ng makarating sa Restawran. Sinurpresa ni Nayumi ang kanyang mga magulang. Natupad na rin ang Isa sa mga pangarap nya para sa kanila. Nag alala si ben na baka wala ng matira sa sahod mo ng anak at dahil alam nito na may mga pansariling pangangailangan at kagustuhan rin ito. Isa talagang mabuting ama si Ben. “Papa, Hangang ngayon pa rin ba kapakanan ko pa rin ang iniisip mo. It’s about time!. Na kayo naman ni Mama.” Sabay yakap nito sa kanyang mga magulang. Kung gaano kaswerte ng mga magulang ni Nayumi, Ganun din sila kaswerte sa Anak. Pumasok na silang tatlo sa Restawran at kumuha ng kanya-kanyang plato. Inuna ni Ben tikman ang seafood. Kakanin naman itong kay Mary. Busog na busog silang tatlo halos hindi na sila makatayo sa kanilang inuupuan. Nang matapos na silang kumain. Nagulat ang mag asawa ng makita ang total na babayaran ni Nayumi. Sa labas ng restawrant habang naghihintay ng taxi. May ibinulong si Mary sa kanyang anak. “Sa susunod anak, kahit hindi muna kami dalhin sa mamahaling restawrant.” Dumating na din ang taxi at sumakay na ang pamilya ni ben pauwi ng San Isidro. (Barangay San Isidro) Pagdating na pagdating ng pamilya ni Ben sa barangay. Inasikaso agad nila ang mga ipapamigay sa mga kapit bahay. Nadistribute na din ni Nayumi ang sobre na para sa mga Seniors Citizens ng Barangay. Katulad ng Graduation ni Nayumi. Meron ulit silang Family picture taking na kasama ang kanilang mga kapit bahay na sobra-sobra ang pasasalamat sa pamilya ni Ben. “Uno-! Dos-! Tres-! Say….. Cheessee!” Natapos ang gabi na masaya ang buong Barangay. Kinabukasan ang mga kapit bahay ay nag usap-usap para paghatian ang gagastusin nila sa pagluluto. Balak kasi nilang i-surpresa ng “Boodle Fight” na hapunan ang pamilya ni ben at para sa pasasalamat nila kay Nayumi. Maagang nakaalis si Nayumi para pumasok. Ang mga kapit-bahay naman ay nagsimula naring paghandaan ang hapunan na pinaplano nila para kay Nayumi at sa magulang nito. Nakarating na si Nayumi sa powerhouse design. Sya at Si Manong guard ang unang tao sa building. Maagang pumasok si Nayumi para maumpisahan agad ang naka-tambak nitong projects. Dahil sa puyat ito naisipan nyang pumunta sa Staff lounge para kumuha ng isang mainit na Tea. Nang makarating sa staff lounge si Nayumi. May nakita syang isang lalaki. “Wow—-!You’re early Ms.Tea!. Impressive.” Sabay clap ni Big Boss Alessandro. Nagulat si Nayumi ng makita si Big Boss Yummy No.1 ng malapitan at walang sunglasses. “Good Morning Sir.!” Hindi nito binangit ang pangalan ni Big Boss Yummy No.1 dahil hindi ito sigurado kung sya si Sir. Alessandro. “I wanna see you this afternoon in My Office Ms.Tea.” Sabay bigay nito ng Tea kay Nayumi. Gusto ni Nayumi magpasalamat pero hindi nito mabukas-bukas ang mga labi. “ Enjoy! And pls don’t choke.” Nag wave ng kamay at mabilis nawala na parang bula si Sir. Alessandro. Hindi parin nakapagsalita si Nayumi. Nakalimutan rin nito na may mainit na tasa na nasa kanang kamay nya, Ilang minuto din bago ito naka-galaw sa kanyang kinakatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD