(BIG BOSS ALESSANDRO……Calling…)
“Krringgg—!. Krringgg—!.” Pinatagal muna ni Nayumi ng sampung segundo bago nya ito sagutin.
“Good Afternoon Sir. Alessandro!. Is there anything that I can help you with.?” Tanong ni Nayumi habang hindi mapakali sa kanyang inuupuan.
“Good Afternoon Ms.Tea!. I’ll wait you in the parking lot In a few minutes. See you!.” Sabay baba nito sa telepono.
Hindi alam ni Nayumi na talagang sinadya ni Sir. Alessandro na ibaba agad ang telepono para hindi ito mag excuse or humindi na makita sya. Talaga namang matalino kung magisip si Sir. Alessandro.
Tinawagan na din ni Nayumi si Johny at dinahilan nito na marami pa syang tatapusing trabaho kaya naman pinauna na nya itong pinauwi at para hindi na mag hintay sa lobby ng building.
Pagkatapos ni Nayumi ayusin ang mga nakakalat na papel sa lamesa ng kanyang Office, Agad din itong pumunta sa restroom para maghilamos ng muka dahil sa tingin nya makakatulong ito para mawawala ang kanyang kaba.
Habang nag hihilamos dumulas ang malambot at mahaba nitong buhok.
“Ay—! Ang tanga-tanga ko naman!.” Ang inis na inis na si Nayumi dahil sa nahagip nito ang kanyang buhok dahilan kung bakit ito nabasa.
Kaya naman naisipan nitong gamitin ang Xlerator Hand Dryer na nasa gilid ng lababo,Yumuko ito at itinapat ang kanyang buhok na agad namang natuyo.
Inayos muna nito ang kanyang sarili bago tuluyang lisanin ang restroom at agad din itong nagtungo sa Parking lot ng building.
Habang naglalakad sinabi nito sa sarili na kapag lumabas sya at wala doon si Sir. Alessandro dederetso na itong uuwi.
Nang malapit na itong lumabas ng building nakita nito si Kuyang Guard na nakangiti sa kanya. Pinag buksan sya nito ng pinto at binati.
“See you tomorrow Ma’am Nayumi!. Salamat sa pandesal kaninang umaga.” Ito si Kuya Roel ang guard na kaibigan ni Nayumi.
“Thank you kuya! Ingat. See you tomorrow!.” Naka ngiti nitong bati kay kuya roel sabay kaway.
Nang makarating na si Nayumi sa Parking lot ng building. Naging malikot ang mga mata nito nagmamasid kung nasa parking lot na si Sir. Alessandro.
At dahil hindi nya ito nakita hindi rin ito huminto sa paglalakad. Dere-deretso lang ito hangang maabot ang dulo palabas ng building.
Sakto din na may nakita itong nakahintong taxi na mukang naghihintay ng pasahero. Nang mapansin ni Manong Driver si Nayumi, lumabas ito ng taxi para pag buksan ito ng pinto.
Habang papasok na si Nayumi biglang may humarurut na sasakyan at huminto ito sa harap ng taxi, Na-ikinagalit ni Manong Driver.
“Sir—! Kung gusto nyong mag trip wag na po kayong mandamay!. Nakikibyahe lang po ako. Kaya naman kung masisira tong taxi wala po akung ipambabayad.” Ang Inis na inis na si Manong Driver.
Kinausap ito ni Nayumi at nagpaliwang. Humingi rin ito ng pasensya at sabay abot nito ng limang daan, pakunswelo para Kay Manong Driver. Inatras na din nito ang sasakyan at umalis.
Lumabas sa kanyang magarang Ferrari si Sir. Alessandro. Humingi ng paumanhin kay Nayumi at tinanong kung okay lang ba ito.
“Hop in! I will take you somewhere.”Kasabay din nito ang pag bukas ng pinto ng kanyang sasakyan. Kinuha din nito ang dalang lumang bag ni Nayumi at nilagay ni Sir. Alessandro sa likod ng kanyang sasakyan.
Wala nang nagawa si Nayumi kundi sundin si Sir. Alessandro at sumakay. Nanginginig ang mga tuhod nito habang naka-upo sa loob ng sasakyan, hindi rin nito maiwasang mamangha sa ganda ng sasakyan ni Sir. Alessandro.
Lalong nanginig si Nayumi ng tinaas ni Sir. Alessandro ang kanyang katawan at hinarap ito kay Nayumi. Akala ulit ni Nayumi na may gagawing hindi maganda si Sir. Alessandro kaya napapikit ulit ito.
“I’m Sorry Ms. Tea, I can’t drive unless na naka-seat belt ka.” Sabay hila nito at kinabit sa gilid ni Nayumi.
Parang nakikipag race sa sobrang bilis ni Sir. Alessandro kung mag drive na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ni Nayumi.
Bago pa man ito pumunta sa secret place kung saan nya dadalhin si Nayumi dumaan muna ito sa isang sikat na Leaf Tea Shop.
“Wait for me!. I’m headed out to grab something I know you would like.”
Namadali itong pumaasok sa loob ng Leaf Tea Shop, Limang minuto lang ang itinagal ni Sir. Alessandro at bumalik na ito na may dalang malaking paper bag at dalawang fruit bubble tea.
Pag balik nito binuksan nya ang likod ng kanyang sasakyan para ilagay ang dala nyang paper bag. Hindi nag tagal binuksan na rin nito ang driver’s door ng kanyang Ferrari. Umupo at Inabot nito kay Nayumi ang nabiling fruit bubble tea. Ito ang paboritong inumin ni Sir. Alessandro sa tuwing masaya ito.
Agad namang tinikman ni Nayumi.
“Thank you Sir. Alessandro! Wow-! It tastes soo— good!.”
Habang nag-dadrive si Sir. Alessandro tinanong nya si Nayumi kung meron ba itong karelasyon.
“ Naku Sir.! Dilikado yan! Kaya naman ayokong pasukin. Siguro pag kasing yaman muna ako baka mag bago ang isip ko.” Sabay ngiti nitong si Nayumi.
Natuwa sa kanyang sagot si Sir. Alessandro.
“For example nahintay ko yun?!. Are you going to choose me—Kesa sa iba Ms. Tea?.”
Napahigop ng todo si Nayumi sa iniinom nitong fruit bubble tea at nahirapan kung paano sagutin ang tanong sa kanya ni Sir. Alessandro. Kaya naman iniba nito ang topic.
“ Sir. Alessandro saan ba talaga tayo pupunta?.” Tanong ni Nayumi.
Dahil sa hindi sinagot ni Nayumi ang tanong sa kanya ni Sir. Alessandro, naisip nitong iprank si Nayumi.
“Sa madilim na lugar yung walang tao. Na para kahit sumigaw ka, walang makakarinig sayo.”
Biglang laki ng mga magagandang mata ni Nayumi. Pinakikiramdaman din nito kung may nararamdaman syang antok sa iniinom nitong fruit bubble tea.
Pasimpleng tinitingnan ni Sir. Alessandro ang muka ni Nayumi kung natatakot ito sa kanya. Sampung minuto din na hindi kumibo si Nayumi sa takot na baka gahasain sya, patayin at itapon sa ilog ni Sir. Alessandro.
Malapit narin silang makarating sa secret place. Isang mataas na lugar sa tagaytay, Inabot na din sila ng dilim na mas lalong ikinatakot ni Nayumi.
Sa magkabilang highway meron itong bangin na may magandang view, mga ilaw ng building mula sa syudad ng Manila. Dumaan din sila sa isang cave na sobrang dilim, Makikita din na mabibilis ang mga sasakyan na nakakasalubong nito.
Patuloy paring pina-prank ni Sir. Alessandro si Nayumi at dahil napansin na nya itong hindi kumikibo mas lalo pa nitong tinakot.
“Have you heard about the girl na itinapon dito ng manliligaw nya? Dahil hindi nya kasi ito sinagot.”
Pinipilit ni Sir. Alessandro na hindi matawa sa prank nya. Ang takot na takot na si Nayumi biglang nag salita.
“ Sir. Alessandro! Ihinto mo plsss—!! Uuwi na po ako.! Masyado na po tayong malayo.”
Maiyak-iyak na si Nayumi sa takot nito kay Sir. Alessandro. Dahil sa nag dadrive ito hindi nito napapansin na may luha nang pumapatak sa mga mata ni Nayumi.
“We can’t stop here. Highway to baka maaksidente pa tayo. Don’t worry malapit na tayo sa secret place.”
Dito tinapos ni Sir. Alessandro ang pagpa-prank nito. Akala nya na nagets na sya ni Nayumi kaya naman binuksan nito ang mga bintana ng kanyang sasakyan at nag patugtug ito ng “Pinag tagpo tayo—Napa-ibig mo ako”.
Sakto ang meaning ng kanta sa nararamdaman ni Sir. Alessandro para kay Nayumi. Habang nakikinig ng kanta naka-isip ito ng joke na akala nyang matutuwa si Nayumi.
“Kapag ang f*ckboi nag mahal, pati tubig lalangamin.”
Nagtaka si Sir. Alessandro dahil hindi tumalab kay Nayumi ang kanyang joke. Dahil sa nag dadrive ito mabilis nitong tiningnan kung okay lang ba ito. Nagulat si Sir. Alessandro ng makitang umiiyak si Nayumi. Kaya naman kahit bawal huminto. Nag park parin ito sa gilid ng Highway.
Lumabas ito ng sasakyan at pinuntahan si Nayumi. Pagbukas nito ng pinto sa side ni Nayumi. Niyakap nya ito ng mahigpit.
“I’m sorry! I don’t know… sh*t!! It’s my fault.”
Ramdam ni Sir. Alessandro ang panginginig ng katawan ni Nayumi. Wala itong ibang ginawa kung hindi humingi ng patawad. Agad namang kumalma si Nayumi ng marealize nito na binibiro lang pala sya ni Sir. Alessandro.
May hinugot ito sa kanyang bulsa, isang louis vuitton na panyo at ipinahid nito sa muka ni Nayumi.
“I’m very——very—- sorry !! Nayumi!. My Dad is right!! I’m so—— stupid!!
Tumayo ito mula sa pag kayakap kay Nayumi. Tumalikod ito at humarap sa bangin na may malalim na iniisip.
Naalala nito ang hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang Ama bago ito namatay two years ago. Si Sir. Alessandro kasi ang pinaka pasaway sa tatlong mag-kakapatid. Nagbago nalang ito nung nawala na ang kanyang Ama.
Lumabas si Nayumi mula sa sasakyan, pinuntahan at sinamahan nito si Sir. Alessandro. Nakatingin silang pareho sa mailaw na view mula sa syudad ng Manila.
Dahil sa naawa ito kay Sir. Alessandro may naisip si Nayumi na joke na kahit sya alam nya sa sarili nya na hindi ito nakakatawa. Kitang-kita din sa mga mata ni Sir. Alessandro na meron itong mabigat na pinagdadaan sa kanyang Ama.
“Nakikita mo yung maraming ibat-ibang ilaw Sir.?. Ang ganda diba?.
“Yup. It’s beautiful!”
“Parang ako Sir.! nakakasilaw ang ganda.”
Hindi ganitong klasing babae si Nayumi. Ginawa lang nya ito dahil gusto nyang patawanin si Sir. Alessandro.
“Prank pa more Sir!. Next time tatawag na talaga ako ng 911.”
Sabay ngiti nila sa isat-sa. Tumalab ang walang kwentang jokes ni Nayumi kaya naman tuwang tuwa ito. Bumalik na din ang energetic na Sir. Alessandro.
Bago sila pumasok sa sasakyan. Humingi ulit ng paumanhin si Sir. Alessandro kay Nayumi sa nagawa nitong kalokohan.
Pagsara ng pinto agad nitong hinarurut ang kanyang magarang sasakyan. Ibinahagi din ni Sir. Alessandro na si Nayumi palang ang kauna-unahang babaeng makakakita sa tinatawag nyang “Secret Place.
Mabilis ding nawala ang takot na nararamdaman ni Nayumi. Ramdam nito na isang mabuting tao si Sir. Alessandro.
Limang minuto nalang at nasa destinasyon na sila. Makikita ang isang mahabang kalsada na puno ng ilaw sa magkabilang gilid. Napapa-wow si Nayumi sa kanyang nakikita habang naalala ang babae sa napapanood nitong romantic na K-Dramas kaya naman makikitang naka-ngiti ito.
Nangmakarating, Nagpark ang magarang sasakyan ni Sir. Alessandro sa harap ng kulay puting mala palasyong pinto.
May dalawang malalaking tao na nag-aabang at pinag-bukas ng pinto si Nayumi at Sir. Alessandro.
“Good evening, Boss!. The set up is Ready.”.
Nang makalabas ng sasakyan biglang hinawakan ni Sir. Alessandro ang mga kamay ni Nayumi at hinila ito sa sobrang excited para ipakita ang tinatawag nyang “Secret place”.