Chapter 9 At the Gym.

1908 Words
Hindi nagtagal si Nayumi sa labas at umuwi din agad pagkatapos nitong gabayan ang mga bata sa kanilang takdang aralin. Habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay naisipan nito tanungin ang kanyang ina para sa susuotin nito sa gym bukas. Ito kasi ang kauna-unahang makakapag gym si Nayumi kasama ang mga kaibigan. At dahil sa malalim na ang gabi. Naabutan ni Nayumi ang mga magulang na mahimbing sa pagtulog, kaya naman pinagbukas nalang nito ang pagtatanong sa kanyang ina. Kinabukasan… Umaga, Pagkagising ng mag ina makikita nito sa lamesa ng kusina ang inihandang almusal ni ben bago ito umalis para magtrabaho. Habang nagaalmusal si Nayumi kasama ang kanyang ina, bigla nitong naalala ang pagpunta nito ngayong araw sa gym. “Ma, Pupunta nga pala ako mamayang hapon sa gym kasama sila Johny at Ms. Vena kaso hindi ko alam kung ano ang susuotin ko, Meron ka ba dyan ma?.” “Meron ako dito kaso may pangalan ng grupo namin sa zumba. Bumili ka nalang anak, tinitipid mo na naman yang sarili mo.” “Nakakapanghinayang kasi ma, Ngayon ko lang kasi gagamitin.” “Pumunta kana ng mall, Wag kana manghinayang.” Pagkatapos mag almusal ng mag ina, Agad namang naligo si Nayumi at maagang umalis sa kanila dahil sa napilitan itong maghanap ng gagamitin nya sa gym. Habang naka tayo at hinihintay ang pinabooked nitong taxi, naisipan nitong tawagan si Ms.Vena. “Good morning Ms.Vena! Ano nga pala ang susuotin mo mamaya sa gym?. Papunta ako ng mall para bumili. First time ko kasi.” “Good morning!, Pumunta ka sa Tobi’s Sports kumpleto sila doon. Matutulungan ka din ng mga saleslady.” Nang makarating, Agad itong nagtungo sa sinasabing store ni Ms. Vena at dali-daling pinuntahan ang sportswear section ng store. Sa daming pweding pagpilian, nahirapan si Nayumi, buti nalang nandyan ang saleslady para tulungan ito. “Itong leggings ma’am, new arrival, mukang babagay po sa inyo at meron din po itong partner na damit.” Pagkatapos nitong isukat, agad naman nitong ipinakita sa saleslady ng store. “Ang ganda po ma’am bagay na bagay sa hubog ng katawan nyo. Model po kayo ng ano ma’am?.” Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ni nayumi sa suot nitong sportswear. Bukod sa mabalakang, meron din itong malaman na dibdib at pwet. “Talaga ba?!. Thank you!. Hindi ako model.” “Ma’am, Bakit hindi nyo po itry magmodel, sigurado akung over qualified kayo. Ito nga po palang running shoes at headband mas kukumpleto po sa suot nyo.” “Hindi yan ang hobbies ko. Salamat!.” Sabay kuha nito sa headband at sapatos. Hindi na nagdalawang isip si Nayumi na bilhin ang mga ipinakita ng saleslady. Bukod sa maganda, komportable at presko sa katawan. Dahil sa maagang nakahanap ng susuotin si Nayumi, naisipan nitong ipalaba ang bagong nabiling sportswear sa laundry shop na nasa harapan ng store, at habang naghihintay ng isang oras, Naisipan muna nitong maglakad-lakad sa loob ng mall, hangang sa makasalubong nito si Sir. Ajax na palabas sa Chinese restawrant. Hindi sigurado si Sir. Ajax kung si Nayumi ang nakasalubong nito dahil sa ito’y naka mask. “Excuse me, Nayumi…? Is that you?!.” “Good morning Sir. Ajax!. Yes, it’s me!. Kamusta po kayo?!. “Good morning!, I just finished my meeting with chinese investors. Too bad, I should have seen you earlier para nainvite man lang kita mag brunch with them.” “Naku Sir. Ajax makakaistorbo lang ako sa meeting kung sakali.” “No way! You’re too intelligent. Baka bigyan mo pa kami ng idea. Anyway, What you doing here?!..” “I’m going to meet Ms.Vena and johny today Sir.” “Cool-! Seems like you guys’s are best friends!.” Hindi rin nagtagal at umalis na si Sir. Ajax dahil hinihintay ito ng mga chinese investors na huminto din sa paglalakad ng dahil sa nakipag-usap pa ito kay Nayumi. Isang oras na din ang nakalipas at kailangan na din ni Nayumi bumalik sa laundry shop para kunin ang nabili nitong sportswear. Pagkakuha, Nagpunta agad ng toilet si Nayumi para mag bihis at dahil sa naabutan na ito ng hapon sa loob ng mall, Napagod at nagutom ito kaya naman kumain muna si Nayumi sa isang fast food chains bago makipag kita sa mga kaibigan. Halos lahat ng tao na nasa loob ng fast food chains naaakit sa kagandahang taglay ni Nayumi. Habang kumakain, biglang tumunog ang cellphone nito. “Nayumi! Nasaan ka gurl?.Nandito na kami ni johny sa loob ng mall. We’re waiting for you at the lift on the fifth floor, Infront of the Fitness Gym. See yah!.” Pagkatapos nitong kumain, nagpahinga muna ito ng limang minuto bago tumayo. Sa harap ng fast food chains may elevator kaya naman mabilis din itong nakarating sa fifth floor ng mall. Sa entrance ng Fitness Gym makikita ang nag hihintay na si Johny at Ms. Vena. “I’m ready and excited!, Pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Smell me guys! Amoy fresh na laundry ako.” Sabay tawa ni Nayumi. “Amoy baby ka gurl!. It’s okay, Si johny first time nya din. Ituturo ko sa inyo ang mga naituro na sa akin ni Sir. Ajax nung unang punta naming dalawa dito.” Sambit ni Ms. Vena habang naglalakad papasok ng gym. Ikinagulat ni Nayumi at johnny nang malaman na nakakasama nitong mag gym si Sir. Ajax. Matagal ng nagtatrabaho si Ms. Vena sa powerhouse designs, dahilan kung bakit naging matalik na magkaibigan ang dalawa. “Wow-! Ms. Vena bukod sa personal assistant ka ni Sir. Ajax?. Ano pang meron sa inyo?.” Sambit ni johny habang nakangiti ang tingin kay Nayumi. “Baliw ka johny!. Idadamay mo pa si Nayumi sa kalokohan mo. Para kunang bunsong kapatid si Sir. Ajax!. Muntikan na akung mainlove sa kabaitan nya. Char—-!!!. Siguro kung kasing talino at kasing ganda ko si Nayumi baka magkagusto sya sa akin.” Sabay hampas nito kay johny habang tumatawa. “Ako naman trip mo ngayon Ms. Vena.” Naka ngiting sambit ni Nayumi. Dahil sa pinaguusapan nila si Sir. Ajax, Sinabi ni Nayumi sa mga kaibigan na, nakasalubong nito ni Sir. Ajax kanina sa loob ng mall kasama ang mga chinese investors. Kaya naman naisip ni Ms. Vena na baka nasa loob din ng gym si Sir. Ajax. Stretching ang unang ginawa ng magkakaibigan, habang tinataas ni johny ang kanyang kamay nakita nito si Sir. Ajax na, nagka-cardio sa bandang dulo ng gym. “Gurls—-!! May magandang tanawin!. Mamasa-masa sya guys!. Tumingin kayo sa bandang dulo! Dali!.” Kilig na kilig na sambit ni johny, sa mga kaibigan. “Sabi kuna sa inyo nandito sya. Gusto nyo puntahan natin?.” Nakangiting sambit ni Ms. Vena habang ginagawa ang stretching excercise. “Bilisan nyo!! Game ako dyan!. Papaturo kami ni Nayumi kay Sir. Ajax!, Ms. Vena.” Habang minamadali ni johny ang mga kaibigan, napalingon naman itong si Sir. Ajax at napansin nito ang tatlong magkakaibigan, Itinigil nito ang kanyang ginagawa at naglakad patungo sa tatlong magkakaibigan. “Wassup—!.. Ms. Vena and friends.. Kelan pa kayo nag simulang sumama kay Ms. Vena?!.” “Hello Sir. Ajax!. First day nila today. Nakwento ko nga sir, na ikaw ang nagdala sa akin dito.” “Cool!, Excercise is good for you guys’s!. It will improves your mental health. Especially sa trabaho nyo, merong stressful days.” Dahil sa firstday ni Nayumi at johny. Inoffer ni Sir. Ajax na i-training ang dalawa, habang nagpatuloy naman si Ms. Vena sa ginagawa nito. Hindi mapakali si johny dahil sa kilig nito kay Sir. Ajax sa tuwing idadampi nito ang kanyang mga kamay, dahilan kung bakit hindi makaconcentrate si Nayumi. “Sir. Ajax ang hahaba naman ng mga daliri nyo!.” Kinikilig na sambit ni johny. “Pati ba naman daliri ko napansin mo pa, ikaw tlaga johny.” Sabay ngiti ni Sir. Ajax. “Makulit talaga yan Sir.” Sambit ni Nayumi habang umiinom ng tubig. Kailangan ni johnny gawin at tapusin sa loob ng isang oras ang mga naituro ni Sir.Ajax. Kasunod nito, si Nayumi, at bago nila simulan, tinanong muna ito ni Sir. Ajax kung okay lang ba na dumampi ang mga kamay nito sa kanya, at dahil sa babae ito, iba ang gagawin nila. Pinahiga si Nayumi at pinahawak ang maliit na bola sa dalawang kamay at itinapat sa kanyang dibdib. Inakala nito na pinagtritripan sya ni Sir. Ajax, dahil sa iba ang ipinagawa sa kanya. “Sir, kailangan ba talagang naka-higa? Hindi ba pweding naka-tayo nalang. Wala namang nagbabasketball ng naka-higa.” Sambit ni Nayumi, habang namumula ang seryosong muka. Naudlot ang pagtawa ni Sir. Ajax, Hindi nito alam kung seryoso o nagbibiro lang si Nayumi. “Joke ba yun? O seryoso ang tanong mo?.” “Seryoso ako sir, Ano ba ang gagawin ko sa bola habang nakahiga?, Tsaka bakit hindi ko nakitang ginawa ito ni johny, Sir?.” Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Nayumi, hindi na napigilan ni Sir. Ajax ang hindi tumawa ng malakas, na ikinagulat naman ni Nayumi. “Ang tawag sa excercise na ito..“10 minutes medicine ball abs workout.” Hindi ka magbabasket ball ng nakahiga, So don’t worry.” Nakatawang sambit ni Sir.Ajax Hiyang-hiya si Nayumi, humingi ito ng pasensya dahil sa inakala nyang pinagtritripan lang sya nito. Agad naman itong naintindihin ni Sir. Ajax. “It’s okay Nayumi, Ang cute mo ngang tingnan, kanina!. Akala ko tuloy merong kalokohang nakatago sa seryoso at maganda mong muka.” “Sorry po talaga Sir, Hindi lang po talaga ako sanay.” Sinunod at ipinag patuloy nito ang mga pinagawa sa kanya. Nang matapos nito ang isang oras na pageexcercise kasama si Sir. Ajax. Makikita ang pawis na pawis na si Nayumi. Ikinatuwa ni Sir. Ajax ang pagiging inosente ni Nayumi at pagiging makulit ni johny. “Hope to see you here again. Anyways, Do you guys have any plans, tonight?.” Hindi pa nakakasagot si Nayumi sa tanong ni Sir. Ajax sa kanya, Nang biglang dumating ng sabay si Ms. Vena at johny. “Just at the right time!. Sila ang tanungin mo Sir. Kung meron pa ba kaming pupuntahan after here.” Nakangiting sambit ni Nayumi. Agad namang sinabi ni Ms. Vena at johny na wala na silang gagawin, kaya naman niyaya silang tatlo ni Sir. Ajax mag dinner sa korean karaoke bar sa makati. Wala ng tanong-tanong at nag “Oo” agad ang mga kaibigan ni Nayumi. “Thats good!! Atleast, I am not alone this time.” Masayang sambit ni Sir. Ajax. Kinausap ni Sir. Ajax si Ms. Vena na dumaan muna sila sa store ng zara, since matatagpuan din naman ito sa loob ng mall. Magkakasama ang apat na nagtungo sa store ng zara, at ng makarating, Sinabihan sila ni Sir. Ajax na pumili ng kahit anong gusto nilang suotin ngayong gabi, para sa date nilang apat, na ikinagulat ng tatlong magkakaibigan. “Gigimik tayo, so dapat magaganda ang mga kadate ko ngayong gabi. Diba, johny!?” Nakangiting sambit nito sa tatlo. “Yes! Fafa!.” Pabirong sambit ni johny kay Sir. Ajax. Agad ding nakahanap ng susuotin si Ms. Vena at johny, at habang pinagmamasdan silang tatlo ni Sir. Ajax, napansin nito si Nayumi na hindi parin nakakapili. Kinuha nito ang V-neck na dress na kulay pula, silver na heels at ibinigay nito kay Nayumi. “I think, This dress will fit to you perfectly.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD