CHAPTER 3

1378 Words
Zoe POV "What the- ZOEEE?!" gulat na sigaw nila kuya sa akin. Psh, seriously? Gandang bungad eh, well di ko naman pala sila masisisi kasi hindi nila alam na dito rin ako maga-aral. Hindi naman kasi sila updated sa buhay ko eh HAHAHAHA. "Why are you here?" tanong agad ni kuya Jared. "Syempre kuya para mag-aral," mahinang bulong ko. "WTF?! Pinipilosopo mo ba kami? Ashianna?!" galit na tanong ni kuya Ashirro, hayst Ashianna na yung tawag niya sa akin. Galit talaga siya. Nakalimutan ko na matalas pala ang pandinig ni kuya, na para bang kahit na malayo ka't bumubulong lang maririnig ka pa rin n'ya. "No i'm not, sorry na po! Please? Pretty please?" pag-papaawa ko pa at sinabayan ko pa ng pagpapa-cute. Malay mo naman diba? Baka tumalab. Nakita ko pa na napa-buntong hininga na lang si kuya. "Oo na, mamaya lagot ka sakin maguusap tayo!" inis na sigaw sa akin ni kuya Hiro(Ashirro). "Anong sayo lang lagot, Ashiro?" kunot noong tanong ni kuya Noah, Noah Klein Hamilton Selvia. Pinsan namin. "Ay hehe, sorry po kuya. I mean, malalagot ka sa amin Ashianna! Mag uusap tayo pag-uwi natin," naka kamot batok na ulit ni kuya Hirro sa sinabi niya, napatawa naman ako ng mahina dahil doon. 'Kala mo hah! Buti nga sayo, napagalitan ka,' sabi ko sa isipan ko, mahirap na't mapagalitan pa uli ako ng kakambal ko'ng si Ashirro. "Anong tinatawa-tawa mo diyan Ashianna?" inis na tanong sa akin ni kuya Hirro at sinamaan pa ako ng tingin, napatigil naman ako sa pagtawa dahil doon. Maya-maya ay binatukan naman siya ni kuya Warren. "Hoy Ashirro! Wag mong sinisita at masama-samaan ng tingin yung kakambal mo ah! Tusukin ko iyang mata mo, tamo," sabi ni kuya Warren pagkatapos niyang batukan si kuya Hirro. Nuks, 'noyan sis? Parang 'di niyo ako inignore ng ilang taon ah? Binilatan ko na lang si kuya Hirro bago umupo na sa bakanteng upuan sa tabi nila. Makikisakay nalang muna ako sa trip nila. "Tsk, let's eat. I'm hungry," malamig na may halong kasungitan na saad ni kuya William. Ganiyan talaga yan, pero mabait yan hah! Ewan ko ng kung bakit anlamig lamig niyan magsalita at masungit e, pero nasanay na rin naman ako diyan. Ganyan din naman kasi siya sa'kin noon ng hindi pa ako nakakaalis sa Pilipinas. "Yeah right, i'm hungry too." saad ni kuya Warren at umupo na rin. Asus, mga englishero talaga itong mga ito. Daig pa 'ko beh. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang may bumuhos sa akin ng malamig at malagkit, pag tingin ko ay milkshake ito. Putangina talaga. Wala akong pampalit gago! "Wtf?!" gulat na sabi ni kuya Jared. "Sheena?!!" gulat at galit na sigaw nito sa nagbuhos sa akin ng milkshake. Agad akong tumayo at tinignan kung sino ang gagong bumuhos sa akin ng milkshake. Babae ito, maputi, makapal ang make up, may boobs. Siguro ay magkakilala sila ni kuya Jared kasi narinig kong tinawag siyang Sheena ni kuya. "What the hell is your problem?! Why did you pour that milkshake on my head?!" inis na sigaw tanong ko dito. Ngunit ang bruha tumawa lang! Like wtf? Baliw ba 'to, takas mental? Napatayo na din sila kuya dahil sa nangyari. "My problem? You! You are my problem! You're a flirt! Why are you with my boyfriend huh?! Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko? Tsaka grabe ang kalandian mo at hindi lang ang boyfriend ko ang nilalandi mo, kundi pati ang mga kapatid niya pa, such a flirt!" galit na sigaw nito sa akin. Puta, sino naman yung boyfriend niya?! Tsaka ako malandi? Never akong lumandi! Tsaka sila kuya ata ang sinasabihan niyang nilalandi ko, pero tanga pala siya eh! Bakit ko naman sila lalandiin e kapatid ko yan?! May sira ba talaga utak nito? I thought maaayos at may utak lang na estyudante ang ang nakakapasok dito? "Sheena! Stop it! Don't you dare to call her a flirt!" galit na galit na sigaw ni kuya Jared dito. 'Sana all pinag tatanggol,' "Hah! Siya pa ang kinakampihn mo ngayon Jared?! Eh ako nga itong girlfriend mo tapos siya kabit lang!" galit na sigaw nito kay kuya. Wait, what?! Girlfriend siya ni kuya Jared? Bakit hindi ko alam na may girlfriend na si kuya-- ay bobo, hindi sino nga ba ako para i-update nila. I mean if mag g-girlfriend siya ba't isang kagaya pa niya? Like duh mukha siyang p****k fr. Ba naman 'te, yung suot niya pang bar na, hindi na pang eskwelahan. "You don't remember Sheena? We broke up last week!" inis at malamig na sabi ni kuya Jared. Oww, break na pala sila eh? So, bakit nag f-feeling shota pa rin siya diyan? Tsk, ambisyosa. Trying hard si anteh. "Arghh! Who's that f*****g girl ba?! Bakit mas pinagtatanggol mo pa siya kesa sa akin? Also, hindi ako pumayag na makipag break sayo!" naluluhang sigaw nung Sheena kay kuya Jared. Luh beh, oa mo po. Sana nagdala ako ng cellphone, lols naiwan ko kasi sa bag ko sa upuan sa room. "Damn! She's my sister, you f*****g b***h! Wala akong pake alam kung pumayag ka man o hindi na makipag break sa akin dahil ikaw yung unang nagloko! It's all your fault! If hindi ka nanglalake sana tayo pa ngayon!" galit na sigaw ni kuya kay Sheena. So kaya sila nag-break dahil nanglalake siya? Ang kapal naman pala ng mukha niyang sabihan akong malandi e siya naman pala itong malandi! Ngayon ko lang rin napansin na sa amin pala ang halos lahat ng atensiyon dito sa Cafeteria, oo nga naman. Sino ba namang hindi mapupunta yung atensiyon nil sa amin kung apaka lakas ng sigaw nila? Hays, putangina. Nasabi nang kapatid ko siya, sana wala dito yung section D. Gulat rin namang tumingin sa akin yung Sheena ng malaman niyang kapatid pala ako ni kuya. "W-what? S-she's your sister? I-i'm so sorry..." utal-utal na wika nito. "Tsk, Get out of our sight!" sigaw ni kuya. Mukha namang nakakaawa yung Sheena daw pero deserve niya pa rin. Why not? Eh nagpapadala kasi siya sa emosyon niya. Also sinaktan niya yung kuya ko no, kita ko ang sakit sa mata ni kuya Jared nung sinabi niya ang panglalalaki no'ng Sheena. 'Yan, magmamahal na nga lang p****k pa ang napili. Hindi ko kakayanin katangahan mo kuya, alam mo na ngang red flag, pinag patuloy mo pa din. Color blind ka ba ante? "J-jared..." tuluyan na ngang bumagsak ang luha ni Sheena ng banggitin niya ang pangalan ni kuya. "Get out!" galit na sigaw ni kuya dito. Umiiyak naman itong tumakbo palabas ng cafeteria. Gosh, para akong nanonood ng k-drama ha! "Ano pa ang tinitingin-tingin niyo diyan? Tapos na ang palabas! Mga chismosa't chismoso!" sigaw ni kuya Ashirro sa mga estyudanteng kanina pa nanonood sa eksenang nangyari mula kanina. "Are you okay, baby?" tanong ni kuya William na agad kong tinanguan. Beh, binuhusan lang naman ako ng punyetang milkshake, hindi ako binalian, sinabunutan or sinampal kaya syempre okay lang ako. "Okay lang naman ako kuya. Nabigla lang talaga ako, tsaka hindi naman ako nasaktan," sagot ko kay kuya Liam at bumaling kay kuya Jared. "Ikaw kuya Jared? Okay ka lang po ba kuya?" nagaalalang tanong ko dito. Syempre be, kahit tanga siya mag-aalala pa din ako, kapatid ko 'yan eh. Hindi naman ako kagaya nilang parang walang pake sa'kin nung nasa ibang bansa ako. Bumuntong hininga naman siya bago ngumiti. "Of course, Princess. I'm okay," nakangiting wika ni kuya, but i know na fake smile lang iyon. "Sige na, Baby. Mauuna na kami dahil baka ma late pa kami sa susunod na subject namin, magpalit ka na ang lagkit mo na oh," wika ni kuya. "Sige po kuya, babye po. Take care po sa inyo, i love you all," paalam ko sa kanila at isa isa ko silang hinalikan sa pisnge. "Oh sige na, babye. I love you too, Princess. Sorry hindi ka na namin maiihatid. But mamaya antayin mo na lang kami sa parking lot at sabay-sabay tayong uuwi. Isa pa may kailangan tayong pag-usapan mamaya," makahulugang sabi ni kuya Jared at pinat pa ako sa ulo. 'Naks makahulugan, anong pag-uusapan mamaya? 'Yung hindi niyo pagpaparamdam ng ilang taon? HAHAHAHA, gandang topic niyan idok.' Tinanguan ko nalang ito at tumalikod na para lumabas ng cafeteria. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD