Lory's POV: Masakit ang ulo ko ng magising ako at hindi ako nanibago ng maamoy ang pamilyar na pabango sa buong bahay. This is actually my second home and everyone is smiling at me. "Gising ka na pala, Lory. Halika na sumabay ka na sa amin kumain." Bati ni tita Angel, mama ni Styx. Ang totoo tatlong araw na ako nandito sa kanila simula ng malaman ko na mag jowa na si Fred at Theon. Nakangiti akong umupo sa tabi ni Styx kahit dama ko pa iyong pag kahilo ko ng dahil sa sobrang kalasingan. Gabi gabi akong umiinom at hindi naman ako pinapagalitan ng parents ni Styx hanggang sa di raw ito makakasama sa akin ay ok lang at kaya kong dalhin ang sarili ko. "Good morning po." Bati ko sa kanilang lahat at masaya rin nila akong binati. Welcome home ako sa pamilya nila, katunayan may sarili pa a

