Medyo malayo na sa city ang apartment na nilipatan namin ni Chris kaya wala na kaming choice kung hindi ang bumili ng mga ukay na damit dito sa palengke. "Magkano po rito sa mga t-shirts?" tanong ko kay Ate nang makarating kami sa palengke. May mga naka-hilera kasi na mga damit dito kaya dito nalang din ako pumunta. I'm also making sure na nasa tabi ko lang si Chris at baka mawala pa 'to kapag napatingin ako rito sa mga damit. "Sampung piso lang piraso, Madam. Bili na ho kayo!" Napataas naman ang kilay ko kay Ate. Nang makita ko kasi ang mga damit ay puro branded ang mga t-shirt and shirts kaya nagtaka na ako. "Are you sure, Ate? Sampung piso lang talaga?" Napatigil naman si Ate sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. "Oo nga, Madam. Anong gusto mo, taasan ko pa ba ang presto nito

