Nagising naman ako dahil sa mga yapak na naririnig ko. Iminulat ko ang mga mata ko and the first thing I saw is an old lady wearing a maid uniform na nasa harapan ko. “Susmaryosep, gising na si Miss Solene. Tawagin n’yo na si Sir!” Dinig kong sabi ng matanda sa harapan ko. Marahan naman akong bumangon dahil wala na rin akong nararamdaman hilo. Agad ko rin namang naalala ang mga nangyari kanina kaya napa-iling nalang ako. That maniac had the audacity para gawin ‘yon sa ‘kin. Hintayin niya lang talagang makabangon ako at hindi niya magugustuhan ang gagawin ko. I was never a b1tch, pero kapag inunahan mo ako, you’ll definitely experience hell. When the door creaked open, napatingin naman ako at nang makita ko si Chris na nakatingin sa akin ay bigla namang sumaya ang puso. Pero hindi pa r

