Trisha POV: "Panis na laway mo Trish, tama ba ako?" Bubulong bulong sakin ni Bea. Kanina pa yan! Kainis! "Tigilan mo na nga siya Bea. Bakit hindi mo na lang harutin yung—" "Shut up!" Biglang nag walk out si Bea matapos sumigaw ng bongga. Anong problema ng isang yun? Narinig kong tumatawa si Rhea kaya napatitig ako sakanya. Na baliw na. Napansin ata ni Rhea na nakatitig ako sakanya kaya pasimple siyang tumikhim saka nagsalita. "Naalala mo yung mga taong naligaw dito?" Ano namang pakielam ko dun. Sabi ko pero gamit ang isip ko. "Tss, Sungit! Pero eto na talaga. Si Bea kasi pinag-tripan yung Duke ang pangalan isa sa tatlong lalaking naligaw dito." Oh tapos? Napabuga ng malalim na hininga si Rhea. "

