Andrea POV: "Teka, bakit mo ba ako kinakaladkad? Kausap ko pa si ma'am-" "Ako ang tunay mong boss!" Sigaw ko na nakapag-patigil sakanya. Nagdilim ang paningin nito at walang emosiyong tinitigan ako. Bahagya akong Napa-buntong hininga. "Hindi mo pwedeng ipa-alala sakanya kung sino talaga siya!" Nafu-frustate na sigaw ko. "At bakit hindi pwede?" Pabalang na tanong ni Tristan sakin. "Bakit? Simple lang.. Kasi papatayin niya kami! Papatayin ka niya! Kasi bampira din siya! Pero mas malakas sa inaasahan ng lahat! Katulad natin siya pero mas mataas ang antas niya kaysa satin" Maluha-luhang sabi ko. Bigla namang umamo ang mukha ni Tristan dahil siguro sa sinabi ko. "Sa ngayon, hindi mo pa maiintindihan" Ma

