"S-SINO?" gulat na tanong ni Bea kay Nicole dahil hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sakanya. "Si dark! Andito na siya! Si Zoe! Si Zoe hazen na binuhay ako kanina sa nakakaawa kong bangkay! Bumalik na siya Bea!" Hindi maipaliwanag ang labis na tuwa at galak na nararamdaman ni Nicole. Kahit hindi niya nakita si Zoe na binuhay siya. Alam niya sa sarili niya na ito ang may gawa. Sa pangalawang pagkakataon... muli siya nitong binuhay. Nabitawan ni Bea ang necklace na lagi niyang bitbit dahil Ito na lang ang natirang alala niya sa kaibigang si dark na mas kilala bilang Zoe. Sa sobrang tagal nitong muling bumalik sakanila. Nawalan sila ng pag-asa na baka tuluyan na sila nitong iniwan at kinalimutan kasama ng iba pa nilang kaibigan. Nanlambot ang tuhod ni Bea at napaluha sa narinig. "N

