MATAPOS ang nangyaring sa kanila ni Emir ng nakaraang araw ay palagi ng umiiwas si Pamela sa lalaki. Nais ipabatid na hindi niya nagustuhan ang mapangahas nitong paghalik sa kanya. Bagaman, ang nangyari sa pagitan nila nito ay tila mas lalo lang pinagiigihan ni Emir na lumapit sa kanya. “I want you, Pamela and I know you wanted me too.” iyon ang tumatak sa isipan ni Pamela bagaman hindi niya binigyan ito ng kapantagan. Hindi akalaing nasasabi nito ang bagay na iyon. Siguro’y lasing ang lalaki ay nasabi nito iyon. Bagaman hindi ba’t kapag lasing ay nasasabi nito ang lahat ng nasa loob-loob nito na nagsasabi ito ng totoo ng wala sa sarili? Bagaman, batid niyang hindi naman lasing si Emir ng mga gabing iyon. And iyon ang pinoproblema niya magpasanghanggangyon. Malinaw at fresh pa sa kanya

