DUMATING si Manang Tacing at Nena sakay ng tricycle na masayang sinalubong ito ni Emir at Pamela. May mga dala itong mga pagkain sa basket at doon sa maliit na kubo ay sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang pagkain. Sweet na sweet ang Nang biglang dumating ang isang panauhin na hindi nila inaasahang dumating. “Dylan?” gulat na sambulat ni Pamela nang makita ang asawa. Na maging si Manang Tacing, at Nena ay pareho ng sa reaksyon niya. Si Emir ay nakatiim itong tumingin sa lalaki. “Can I joined?” nakangiting wika nito sa kanila. Kasama nito ang dalawang bodyguard sa likuran. At nagtataka si Pamela ito lang ang naroroon at wala ang kapatid niyang si George. Ang magkahugpong nilang mga kamay ni Emir ay pinakawalan ni Pamela. Nabigla ito sa ginawa niya. Ngumiti si Dylan. “Come here wife,”

