"What are you cooking?"
Halos mabitawan ko 'yong hawak kong sandok. Sa sobrang gulat ko, muntik ko na ring maipangtapon sa kawali ‘yong sarili kong kaluluwa. It was that shocking. Kasi naman—ANONG GINAGAWA NI ANDRÈ DITO?
Then it hit me.
Oh. Right. I gave him a duplicate key to my unit. Kasi feeling ko unfair naman na binigyan niya ako ng spare key ng kanya tapos ako, wala. I was trying to match his generosity vibes pero ‘di ko naman inexpect na literal niyang ituturing ‘tong condo ko as his second home. May pa-surprise entry pa talaga siya! Kala mo siya ang may amnesia sa mga konsepto ng pagkatok at pagrespeto sa personal space!
"Try mo kumatok minsan?" sabi ko, deadpan habang pinipilit ayusin ang t***k ng puso ko.
"Nah. You always have that noise cancelling headphones on," sabay silip niya sa niluluto ko. As in, literal na over-the-shoulder look! E di siya na ang matangkad, pogi, at parang commercial model ng cooking oil.
"Penge ako?" parang batang may sinat niyang sabi. ‘Yong tipong hindi mo alam kung matutuwa ka ba o ihahagis mo sa kanya ‘yong kawali.
"Pag may sobra," I answered, pa-cool effect kuno kahit ang totoo gusto ko siyang palabasin sa unit ko para makapaghugas ako ng pinggan in peace.
"Ang dami naman niyan."
"Good for two lang 'to," I replied. Kunyari steady ang boses ko, pero may tension sa ere. Yung parang... ‘di ko alam kung gutom lang ba siya o may hinanakit sa puso niya na 'di pa niya sinasabi.
Seconds passed. Tahimik. Sobrang tahimik.
Napalingon ako. Ayun siya, still standing behind me, expressionless like a wall. O baka ‘yong ref. Basta malamig.
"00 na, bibigyan na kita," mabilis kong sabi. Masyado siyang matampuhin, as in mas matampuhin pa kaysa sa plants ko kapag hindi ko sila nadidiligan for two days. E siya pa 'tong ubos-laman-ng-ref king!
"Pablo's coming over?" tanong niya bigla, pero ‘yong tono niya parang 'yong mga tanong sa finals exam na hindi talaga tanong—kundi confirmation ng pagkabagsak mo.
"Yeah. Birthday niya ngayon," I said habang nagkukunyaring busy sa paghalo sa niluluto ko. Alam ko namang alam niya. Siya pa nga 'tong kasamang bumili ng regalo ni Pablo eh, tapos nauwi lang kami sa pagkagat sa buy-one-take-one promo ng milk tea dahil "sayang naman" daw.
Lumingon ulit ako. Nakasandal na si Andrè sa dining table ko. Naka-hands in both pockets pa siya. Parang dramatic shot sa teleserye.
"Medyo mamaya pa ko matatapos dito. Hihintayin mo ba?" I asked, parang casual lang pero hello, gusto ko rin naman ng konting validation minsan.
He shook his head. "Nah. I'll just eat out," sabi niya.
"May date ka?" kilay taas ko agad. Wala pa ngang isang segundo ang pagitan!
"Wala. I already told you I don't have time to date," he said.
"Weh?" I prodded. Kasi talaga, something smells fishy—at hindi 'yon galing sa niluluto ko.
"I just don't have the energy to pretend to like someone whom I don't," he muttered habang pa-exit na ng pinto.
Ang labo. Promise.
Pagkatapos kong magluto, nilagyan ko agad ng food ‘yong isang container. Para kay Andrè. Kasi baka magtampo. Sensitive yarn? Well, oo. At awkward naman if cold war kami sa loob ng elevator bukas papasok sa work.
Sinadya ko talagang damihan. Kasi kung may talent man si Andrè bukod sa pagngiti na parang gusto mong mag-confess sa kaniya ng kasalanang hindi mo pa nagagawa, ‘yon ay ang pagkain ng para sa tatlo. Gym buff kasi. May six-pack abs. At utak. At brief na may alignment sa kulay ng medyas niya. Life is unfair.
Mid-pack ako ng container nang magvibrate phone ko.
Pablo:
Can't come tonight. Urgent meeting. Will see you tomorrow?
Napatulala ako. Like, speechless-levels. Gusto kong magwala, pero baka sa kawali ko mailabas ‘yong galit. I just slaved away in the kitchen para sa kanya! Tapos ganito lang? Cancelled again, last minute pa? Hindi na ito third strike. This is... foul ball sa kabilang team!
Pero ang reply ko?
"Oh. It's okay. I'll see you tomorrow."
Tiningnan ko ang sarili sa reflection ng kettle. "Nasaan na ang pride at self-worth mo, Maricon?" I asked myself habang galit na ibinagsak ang sandok sa sink. Grabe. Parang telenovela pero walang camera.
Kinuha ko 'yong container. Walk of shame patungong unit ni Andrè.
Katok. Katok. Katok.
Tahimik. I didn't even know kung nandoon pa siya. Sana nandoon. Ayoko ng drama moment na mag-isa.
After ilang segundo...
"JESUS CHRIST!" biglang sigaw ni Andrè pagkalapat ng pinto.
Hala. Parang siya ‘yong ginoast ko.
"Kanina ka pa ba d’yan?!" hawak niya ang dibdib niya like tinamaan ng thunderbolt ni Zeus.
I nodded. Sobrang slow mo ng galaw ko habang inaabot ang container.
"Akala ko good for two lang ‘yan?" sabi niya, kunot-noo pero slight concerned.
I shrugged. Ayoko namang aminin na I got ditched by Mr. Birthday Boy. Baka lumabas pa ‘yong I told you so ni Andrè. At saka, ayoko ng extra drama.
"Aalis ka?" I asked. Like, casual lang kahit may hawak akong heartbreak meal.
"Yeah. I'll go for a run and then..." napahinto siya. Parang naisip pa lang niya 'yon ngayon. "...I don’t know. I’ll figure it out later. Why’d you ask?"
Shrug ulit. Kasi mas safe kaysa magsalita. Minsan kasi, mouth equals trouble.
Pero nakalimutan ko, si Andrè ‘to. The walking lie detector. Kilala niya ako. Minsan nga feeling ko baka may CCTV siya sa utak ko.
"What did he do again?" tanong niya. Chill pero may tension sa hangin.
"Wala."
He didn't say anything. Pero ‘yong tingin niya? GRABE. Para akong niluto ng sariling sinigang.
"He cancelled," I confessed. Kasi naman, I literally cannot lie sa taong ‘to. May sixth sense siya sa disappointment ko.
And then? Tahimik ulit.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita:
"Anong gusto mong gawin ko? Suntukin ko ‘yong Pablo na ‘yan gamit ang Tupperware mo?"
Napangiti ako. Kasi si Andrè talaga. Palaging may isang banat na hindi mo alam kung dapat kang matawa, ma-touch, o umiyak sa harap niya habang hawak ang kanin.
Andrè’s jaw clenched like isang contestant sa Minute to Win It na biglang nawalan ng game plan. I could feel his eyes burning through the back of my head habang pilit kong iniwasang tumingin sa kanya. He wasn’t saying anything, pero the silence was so loud. Alam kong galit siya kay Pablo. Again.
Honestly, kasalanan ko rin. Palagi ko kasing sinasabi sa kanya kapag nalulungkot ako. Parang ginawa ko na siyang human diary—minus the padlock and floral cover. It was starting to feel unfair. Pero siya lang kasi meron ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin 'to kay Kaye. She’s more of a seatmate who borrows pens than a life advisor.
“It was urgent daw, e,” I mumbled, trying to defend Pablo like a part-time publicist. I flashed the fakest smile since Miss Universe 2015. “Anyway... hope you enjoy your night,” dagdag ko habang dahan-dahang nag-back out paalis, parang extra sa horror movie.
Pagdating sa unit ko, mabilis akong kumuha ng walis. Literal. Hindi metaphorical. Walis, dustpan, at ‘yong ever-trusty basahan. Kasi kung hindi ko lilinisin ang bahay, baka malinis ko ang sarili kong self-worth—na nawawala lately dahil kay Pablo.
Malinis na nga iyong unit ko pero sabi nga nila, cleanliness is next to... distraction. Better to sweep than to weep, 'ika nga ng mga single ladies sa Twitter.
Habang sinusungkit ko ang alikabok sa ilalim ng couch, biglang bumukas ang pinto ko na parang eksena sa teleserye. Pero hindi multo ang dumating, kundi si Andrè. Siya lang naman kasi ang may ganang pumasok sa unit ko na walang paalam. Talagang certified “Doorbell is just a suggestion” kinda guy.
“Let’s go,” he announced like he was inviting me to a duel.
“What?” I blinked.
“My friends invited us,” he said, casual pa. Parang hindi big deal. Eh para sa’kin, para na akong nanalo ng trip to Enchanted Kingdom. “You told me to bring you if they invite me, right? Tara na.”
Hindi pa ako naka-react nang itinulak na niya ako papasok sa room ko.
“We’re going to a bar. Dress appropriately,” bilin niya na parang nanay ko. “But don’t dress too provocatively unless gusto mong mapaaway ako.”
Ay wow. Siya na ang may karapatang magselos?! Before I could ask kung kelan siya naging security guard ng katawan ko, sinara na niya ang pinto.
Stunned ako for a solid ten seconds. Tapos bumalik ako sa pinto para sumilip kung baka joke lang. Pero hindi—nakaupo siya sa couch, pinapapak ang pasta na niluto ko.
“Saan tayo pupunta?” I asked ulit.
“I have no idea,” sagot niya na parang chill lang. “But I’m pretty sure just around BGC.”
Habang patuloy siyang lumalafang ng pasta, sinipat ko ang suot niya. Black fitted shirt na parang commissioned to showcase his biceps, maong jeans, white sneakers. Parang ads ng local perfume. Ang unfair talaga ng genetics. Samantalang ako, nagmimistulang office folder kapag naka-formal wear.
“Come on, Maricon,” sabi niya, mouth half-full. “Bilisan mo para maabutan pa natin sila ng maayos.”
Against my better judgment (and my to-do list), nag-shower ako, nag-makeup, and pulled out my emergency panggimik outfit. Black dress, block heels, light makeup. Hindi naman ako masyadong glam, but decent enough para hindi mapagkamalang tita na napadpad.
Excited na rin ako, to be honest. First time kong pupunta sa actual club. Usually bar lang with Pablo—eh ‘yon pa, hindi consistent. This time, party crowd na to. As in Manila scene levels. Sinalang na ako sa debutante ball ng mga sosyal.
“I’m ready,” I declared like a Miss Universe candidate.
Nakita kong nanood pa si Andrè ng cartoons. I don’t even question this anymore. When he turned around and saw me, parang nagbagong mundo niya. Napakunot siya ng noo as if nag-transform ako into someone he couldn’t compute.
“What?” tanong ko agad. “Mali ba ‘yong suot ko? Sabihin mo na kung mukha akong nag-costume!”
Andrè didn’t say anything. He just stood up and turned off the TV. Uh oh.
“Huy,” I pressed, “may mali ba?”
He shook his head. “No. You’re dressed fine.”
“Sure ka? Bakit parang nasapian ka kanina?”
“Wala akong sinabi.”
“E ‘di umamin ka. Sumimangot ka!”
“Really? I didn’t know.” Wow, Oscar-worthy.
I glared at him like a high school principal. “Ano nga kasi! Baka magmukha akong confused tiktoker dun!”
He sighed and chuckled. “I promise, you’re dressed just fine…”
Hindi ko siya tinantanan. Nagbigay siya ng defensive sigh na parang tatay na naistorbo sa Sabado ng umaga.
“You just… you just look different, okay? I’m used to seeing you in office attire and pambahay,” he said habang pinapanood ang number sa elevator na parang may biglang life lesson dun.
“So anong point mo? Mukha akong credit analyst kapag nasa school?”
“What? No!” panik na sagot niya. “I mean, no! That’s not what I meant!” Ayun na, sumabog na ang panic button.
I almost laughed. Parang nahuli kong may laman ang bag ng class president.
“You just look sexy tonight, okay? That’s it.”
Biglang natahimik ang hallway. Ako, natigilan. Like legit. Wala akong nasabi. As in...
Sexy daw ako?!
Nag-boot loop ang brain cells ko. Please reboot in safe mode.
And just like that, I forgot Pablo’s name.