Andrè Ladezma wants to be your friend.
I automatically clicked decline.
Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast—mainit na sinangag at tuyong pusit, habang nanonood ng mukbang sa YouTube—nang may marinig akong katok mula sa pader. As in pader, hindi pinto.
Kumunot agad ang noo ko.
"Accept my friend request!" sigaw mula sa kabilang unit.
ABA'T! Hindi na lang gabi siya istorbo, pati umaga na rin? Talagang career na ang pang-aabala, huh!
I stood up, grabbed my noise-cancelling headphones like a true millennial warrior, at bumalik sa lamesa para tapusin ang almusal ko. The past few weeks of living here had been, to put it gently, chaotic. Pero kagabi? For the first time, tahimik. True to what Andrè said, he took his activities—read: kalandian—elsewhere. Diyos ko, salamat!
Pero ayun na nga. Just when I thought safe na ako…
SCA-CL-IS (GC)
Andrè Ladezma: @Maricon Santiago accept my friend request 🙃
NAPALAKI ANG MATA KO.
Did he—
"Walangya ka!" sigaw ko habang sinampal-sampal ang kawawang pader namin. "Burahin mo 'yan! Pati sa group chat nagkakalat ka!"
Tawa lang siya sa kabila.
"Eh ayaw mo kasi akong pansinin!"
"Clue na 'yun, 'no?!"
Maya-maya pa—
"Kanina ko pa naaamoy 'yung breakfast mo. Meron ka pa ba, Mamshee?"
PUTA.
Hindi ko alam kung magpapakulo ako ng dugo o tubig. How the hell does my dried pusit aroma teleport sa kabilang unit?! Para ba siyang tuyong psychic?
Almost napahampas ako sa noo ko. Kahit sungitan ko siya, walang epekto. Parang may lifetime supply ng pasensya si Andrè at bakunado sa bitterness. Lagi siyang nakangiti. Nakakainis. Nakakabaliw.
"Bumili ka ng sarili mong pusit!" I shouted.
"But I always eat out," drama niya. "Miss ko na 'yung home-cooked meal. Sige na, Maricon? Galit ka pa rin ba sa 'kin? 'Di na nga ako umuwi kagabi, oh. Out of consideration daw sa reklamo mo."
"Wow, dapat ba magpasalamat ako? Gusto mo i-frame ko pa?"
"Hindi naman. Sinasabi ko lang na nag-adjust ako. Ang ganda-ganda mo pa naman, tapos sinusungitan mo ako parati."
I STOPPED CHEWING. HOLD UP.
NO.
Hindi ako magiging isa sa mga babaeng biktima ng kalandian series ni Andrè. Ako ang warning label, not the next sequel!
Para manahimik siya, tumayo ako at pumunta sa kitchen. Kinuha ko ang tanging tupperware ko—'yung kulay faded orange na may crack sa gilid—at nilagay ang natirang breakfast. Dried pusit and fried rice lang naman. Hindi lechon. Pero kung umasta si Andrè, parang gutom sa pagmamahal.
Dahan-dahan akong lumabas. Parang ninja na may misyon. I put the tupperware in front of his door and walked away with stealth. Pagbalik ko sa unit ko, kinatok ko ang pader.
"Nasa labas na ng room mo 'yung pagkain."
Pagkalipas ng ilang segundo—
"Grabe, iniwan mo lang talaga doon?"
"Binigyan na nga kita ng pagkain. Tumahimik ka na lang."
Tumawa na naman siya.
"Later again, Maricon."
Nag-roll ako ng eyes. Parang may bago akong alagang aso. Pero unlike dogs, hindi ito loyal. Pogi nga, oo. Pero POGING MALANDI. Parang golden retriever na marites.
Later that afternoon, I was heading out for school nang mapatili ako sa gulat.
Andrè Ladezma was leaning outside my door like a male lead in a w*****d story no one asked for. Hands in his pockets, naka-smirk, all feeling pogi.
"Ready?" he asked.
"Gaga, hindi." I gritted my teeth. "Kulit mo talaga. Para kang sipon na ayaw mawala."
He walked beside me like he owned the sidewalk. "I'm just friendly."
"That's not friendly. That's illegal in five countries," I snapped. "Annoying ka talaga."
Tumawa siya. "In what way? I already addressed your concern. Promise, no more girls when you're around."
"Ano 'to, conditional chastity?"
He just grinned. "Pag wala ka, that’s between me and the Lord."
I DIED.
Nagpindot siya ng elevator button as if wala siyang sinabing kababuyan.
"Di ka ba natatakot magka-rashes o UTI? Ang landi mo, grabe."
Tumawa siya ng mas malakas. Sobrang lakas na I swear akala mo recording ng laugh track sa sitcom. Mabuti na lang kaming dalawa lang sa elevator.
"Thanks for the concern, Maricon, but I'm healthy as ever. Pwede ba, let's not talk about my s*x life? Medyo… na-aawkward na ako."
"BUTI ALAM MO."
Pagdating namin sa ground floor, nagsimula na naman siya magkwento—about memes, about his tita’s chihuahua, about a dream kung saan naging manok daw siya. Anong klaseng utak meron siya?! Walang filter, walang edit, walang shame.
"Hatid na kita," he said.
"Yoko. Baka may side trip ka pa sa motel."
He laughed again as we reached a black Ford Everest. Medyo umatras ako.
"Ayoko na pala. Baka may residue."
"Residue?" Nalaglag panga niya. "Seriously?"
"Yes. I don't want ghost moan energy contaminating my aura."
As in, I imagined the car physically shaking from past events. GROSS.
Napayuko siya sa kakatawa. Red na ang mukha. Tawang-tawa, parang sinaniban ng kabayo.
"Your dirty mind, Maricon!"
"BAKIT?! 'DI BA TOTOO?!"
Hinampas ko siya gamit ang bag ko na puno ng Consti book at Codal. Napaurong siya.
"WALANGYA KA! BAKIT MO AKO ISASAKAY SA CAR NA EXTENSION NG 'KALANDIAN SESSIONS' MO?!"
PANGALAWANG HAMPAS.
"Araaaay! Grabe 'yang bag mo, may batas sa loob!"
Tumalikod na ako, pero hinabol niya ako.
"My car is clean! I swear! Kakapa-carwash ko lang! May wax pa nga ‘yan, promise!”
"Ugh! Andrè, maghanap ka ng ibang kaibigan sa school, please lang. 'Wag ako. Feeling ko tataas ang BP ko dahil sa 'yo!"
Habang pinaghahalungkat ko ang key fob ko sa loob ng bag, bigla niyang kinuha ito sa kamay ko.
"I'll drive."
"NO THANKS. Kaya kong magdrive."
He looked at me, serious for once. "Please? If you don't want to ride in my car, at least let me drive for you?"
Napatingin ako sa kanya. And for the first time… napansin ko. Hindi lang siya makulit. May konting effort.
Konti lang. Parang asin sa cookies. Di mo alam kung bagay.
"Fine. Pero pag naamoy kong may pabango ng babae 'yung seatbelt mo, lalagyan ko 'yan ng holy water, klaro?"
"Deal, Maricon Santiago. Deal."
I was holding my key fob, looking at him like he just crawled out of a telenovela na walang paalam.
“Bakit ba ang kulit mo? Ilang beses na kitang sinungitan, nandito ka pa rin,” I said, clutching the key like it was the last piece of dignity I had left.
Ngumiti si Andrè—a.k.a. the reincarnation of persistent flirtation itself—tapos ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang fitted na slacks. Yung tipong kahit mainit, pipilitin pa ring mag slacks para lang magmukhang mysterious.
“To be honest? I like you. You’re different from all the girls I’ve met,” he said sincerely. “You call me out on my shits. Gusto kitang maging kaibigan.”
“‘Yun lang?” taas-kilay kong tanong.
He nodded like a scout leader about to make a pledge. “I promise.”
Napabuntong-hininga ako at inihagis ang key fob sa kanya. “Kapag nabangga tayo, sisingilin kita. May mga bayarin akong ayokong ma-late ng dahil sa 'yo.”
He caught the keys like he was auditioning for Fast and the Flirtious. Tumawa pa. Gigil ko.