CHAPTER 2

1616 Words
Napasuka nga s'ya ng kunti sa bowl ng comfort room sa kuwartomg iyon ng kanyang Ninong at pagkatapos ay flush naman niya agad iyon. Nang medyo okay na s'ya ay nagmamadali naman s'yang lumabas roon at muling nagmamadaling tinapos ang kanyang ginagawa. Napaisip tuloy s'ya ng malalim kung ano ang matinding amoy na 'yun. " Ano nga ba ang amoy na 'yun?" Aniyang nag-iisip ng malalim habang nagsimula ng magpunda ng mga unan. At bigla na lang niyang naisip na baka iyon ang tinatawag nilang kat@s ng___?? Oh my goodness, sabaw pala yun! sabaw ng- Sabaw iyon sa gitna ng romans@? bigla na lang niyang naalala na dito pala kagabi sa kuwarto ng kanyang Ninong nakatulog ang nagngangalang Perlita. Napangiwi na lang s'ya sa kanyang naisip dahil napakadumi naman ng isip niya na isiping sabaw iyon ng Ninong niya at sa babaeng si Perlita na kaniig nito kagabi. Tama nga, dahil wala ng ibang dahilan kung bakit mayro'n iyon sa kumot at bedsheet ng Ninong niya. Nadismaya man s'ya sa isiping iyon ay wala s'yang magagawa. Nakadama man s'ya ng selos dahil may gusto nga s'ya ng lihim sa Ninong niya ay wala naman s'yang karapatang magselos. Nakakatawa lang s'ya at maaring pagtatawanan lang s'ya ng lahat kung malalaman na may lihim s'yang gusto kay Ninong Fabiano at nagseselos s'ya dahil sa isiping sabaw nga iyon ng Ninong niya. "Kaya pala ang baho! grabe ang amoy para kang mahimatay! panis na sabaw na kasi, kaya gano'n na lang ang amoy.." Wala pa sa sariling bigkas pa niya sabay napailing-iling. " Anong panis na sabaw?" Biglang bungad sa kanya ng kanyang Ninong mula sa pintuan. Nagulat naman s'ya sa biglang pagsabad ng kanyang Ninong sa kanyang likuran habang ipinagpatuloy ang pagpupunda sa mga unan. " Ay! N-ninong! kayo po pala! h-hindi pa po ako tapos sa ginagawa ko." Parang nataranta pa niyang wika rito. Matiim s'yang tinitigan nito at tuloyang pumasok sa loob ng kuwarto nito. "Akala ko ba tapos ka na, Luissa? kanina ka pa dito ah, madali lang naman ang pinagagawa ko sa'yo dahil ang kama ko lang naman ang linisin mo at aayusin." Sabi nito sa kanya. " P-pasensya na po kayo, Ninong. Madali na lang ito." Aniya rito. "At anong narinig kong mabaho at panis na sabaw? narinig kitang nagsasalitang mag-isa rito." Kunot-noong tanong nito sa kanya na hindi talaga pinalampas ang narinig at naabutan nitong pagsasalita niya. "Po? w-wala po yun, Ninong!" Aniyang nanginginig pa. "Sabihin mo kung ano, narinig kita." Mariing wika nito sa kanya. "S-sorry po, k-kasi i-inamoy ko ang basa sa kumot niyo at bedsheet. Hindi ko po alam kung ano 'yun, kasi ang tindi ng amoy ninong." Aniyang nanginig nang sabihin iyon. Alam na kasi niya kung ano iyon. Napansin naman niyang mas lalong nangunot ang nitong nakatingin sa kanya at saglit na napatigil sa sa kanyang sinabi. "Bilisan mo na, para makalabas ka na sa kuwarto ko, gusto ko nang magpahinga dahil masamà ngayon ang pakiramdam ko, masakit ang ulo ko." Sabi nito sa kanya na Hindi na pinansin ang sinabi niya rito. Napaupo ito sa upuan nitong armrest at napahilot pa sa noo. Bigla naman s'yang nabuhayan ng marinig iyon mula sa kanyang Ninong. Naalala niya kasi na kapag masakit ang ulo nito ay siya ang pinahilot nito kahit noong maliit pa s'ya at pagkatapos ay binibigyan agad s'ya nito ng cash nakapag ipon nga s'ya sa mga binigay nito sa kanya. Hindi nga niya ito close pero nakasanayan na rin niya ang mga utos nito sa kanya tulad na lang nitong pagpapalinis ng room nito kapag wala ang tagalinis ng mga kuwarto sa villa. "Naku, kung gano'n, hilutin ko po, Ninong ang ulo niyo at noo para magrelax po kayo at makatulog agad. Sandali at patatapos na po ito, bed sheet na lang ang kulang." Sabi niya rito. Napatigil ulit ito at napatingin sa kanya. "Really? Can you massage me right now, even here in my room? masakit din ang likod ko." Tanong at wika nito sa kanya. Siya naman ang natigilan. Oo nga pala, pangit iisipin na dito niya hilutin at masahiin sa loob ng kuwarto ang kanyang Ninong na sila lang dalawa. Dapat ay sa labas niya ito masahiin, yung may mga makakakita sa kanila dahil nakasanayan na kasi ng lahat na hinihilot o minamasahe niya ito at pagkatapos ay bigyan agad s'ya nito ng cash. Gano'n ito ka galante kaya nga kahit hindi naman talaga niya ito Ninong ay nag fe-feeling na lang siya na Ninong niya ito dahil sa sobrang galante nito sa kanya simula noong bata pa s'ya. " Ano, Luissa? okay ka lang ba na dito mo ako masahiin sa loob ng kuwarto ko? please massage my back also, because it hurts ." Seryosong wika nito sa kanya. "Y-yes po, Ninong." Napalunok ng laway na tugon niya rito. Bigla kasing nagkaroon ng malisya sa kanyang isipan na masahiin ito sa mismong loob ng kuwarto nito. Nahihiya na rin s'yang bawiin na gusto niyang masahiin ito dahil naasiwa s'ya sa sitwasyon. Dalaga na siya at hindi na bata. At ang Ninong niya'y binata din at wala pa ring asawa. Nagkagusto man s'ya ng lihim rito ngunit natatakot parin s'ya na baka dedemonyuhin ito. Lalaki ito kaya hindi talaga nababagay na dalawa lang sila sa loob ng kuwarto nito habang mamasahiin niya ito. Pagkatapos niyang palitan ang bedsheet ng kama nito ay nagulat pa s'ya nang tumayo na ito at hinuklas ang suot nitong t-shirt kaya tumambad sa kanyang paningin ang kakisigan nito. Napatanga pa s'ya sa guwapo at karisma ng kanyang Ninong Fabian. Pagkatapos nitong maghubad ng t-shirt nitong suot ay dumapa agad ito sa kama nito. "Alright, go ahead and massage me." Utos nito sa kanya. Kinabahan man s'ya ay wala na s'yang magagawa pa dahil hindi na niya mababawi pa na mamasahiin niya ito. Lumapit na lang s'ya at minasahe ito. At kahit medyo nanginig at kinabahan s'ya ay pilit niyang ginawa iyon at winaglit ang masamang iniisip at ang malisyang naramdaman. Minasahe nga niya ito. Napapaungol pa ito sa kanyang ginawang pag masahe sa likod nito. "Uhmmm, it feels so good. Ang galing mo talagang magmasaheng bata ka." Sabi pa nito sa kanya. Mas lalo pa tuloy s'yang naasiwa sa paraan ng pag ungol nito habang minamasahe niya ito. "S-salamat po, Ninong." Alanganing tugon pa niya rito. Pinisil-pisil niya ng todo ang likod nito. "Ohhh, yan. That's good, Luissa." Sabi pa nito na dinama ang bawat pisil niya. Sarap na sarap ito sa ginawa niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla nalang itong humarap at umayos ng patihaya. "Pisilin mo na ang noo ko, Luissa." Utos nito sa kanya. Hindi naman niya ipinahalatang nakadama s'ya ng pagkailang sa kanyang Ninong. Baka kung anong iisipin nito sa kanya. Pinapantasya niya ito na kahit hindi naman makikita sa hitsura ng Ninong Fabian n'ya na may malisyang namumuo rito sa kanilang dalawa ng mga sandaling iyon. Tanging s'ya lang talaga ang nagkaroon ng malisya rito dahil lihim s'yang may gusto rito. Pinisil-pisil naman niya agad ang noo nito at kitang-kita naman niya sa mukha nito na nasasarapan na naman ito sa pagpisil niya. Napapikit lang ito habang patuloy niyang pinisil-pisil ang noo nito. Ang ginawa niya'y ipinokus na rin ang sarili sa pagpisil sa noo nito at hindi na niya tiningnan ang mukha nito. "After you massage me, would you like Cash again?" Nakangiting biglang tanong nito sa kanya na ikinatigil naman niyang muli. Medyo nagulat pa s'ya nang makitang nakatitig na pala ito sa mukha niya at nagtama ang kanilang paningin ng kanyang Ninong. Napaka swabe nitong tingnan at para s'yang nahipnotismo sa mga tingin nito ngayon sa kanya! kasabay ng paglakas ng kabog ng kanyang dibdib na di niya maiintindihan. " Luissa? why? bakit parang kinabahan ka?" Tanong nito sa kanya. " Po? w-wala po, Ninong!" Nabiglang tugon pa niya rito. At doon s'ya sunod na nagulat nang hilahin s'ya ni Ninong Fabian at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata niya at parang nanigas ang kanyang buong katawan nang dumikit ang labi niya sa mga labi ng kanyang Ninong! At siniil s'ya nito ng halik na ngayon lang niya natitikman at naranasan sa buong buhay niya! hangga't naramdaman niya ang mga kamay nitong humaplos sa kanyang dibdib. "Gusto mo ng sabaw, Luissa?" Tanong pa nito. Sa gulat niya sa ginawang paghaplos nito sa kanyang dibdib at pagkarinig sa tanong nito na gusto ba daw niya ng sabaw ay malakas s'yang nagpumiglas mula rito at pagkatapos ay tumakbong palabas ng pinto ng kuwarto nito! Humihingal pa s'ya nang nasa labas na s'ya. Hindi s'ya makapaniwalang magagawa ni Ninong Fabiano sa kanya iyon. Sinasabi na nga ba niya na baka mademonyo ito at makagawa ng hindi maganda. Dapat nag-iingat na s'ya dahil dalaga na s'ya. Marami ngang balita tungkol sa sariling ama at anak lang tapos si Ninong Fabian pa kaya na bukod sa binata pa ay hindi naman talaga niya kaanu-ano. Kung iisipin talaga ay amo nila ito ng kanyang Tatay at Lola Vicenta na naging Kaibigan at ka close lang ng kanyang ama. Iniisip lang sila nito na hindi na ibang tao. Kahit may lihim s'yang gusto sa kanyang Ninong ay natatakot naman s'yang tuloyan s'yang mayari nito. ___ Pagkatapos sa ginawa ng kanyang Ninong sa kanya ay nainis s'ya dahil parang wala lang nito iyon. Parang wala lang itong ginawa sa kanya. Subalit lagi namang bumabalik sa kanyang isipan ang malalim na mga halik nito sa kanya at ang mga mainit nitong palad na humaplos sa kanyang dibdib ay laging fresh na fresh iyon sa kanyang isipan at di na talaga mawawaglit pa. Mas lalo pa tuloy s'yang nakaramdam ng pagkagusto ng lihim kay Ninong Fabian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD