Iniwas nya ang mga tingin kay Ninong Fabiano dahil kahit nakatingin na siya rito ay hindi naman ito iniiwas ang mga tingin sa kanya kaya sandaling nagkatama ang kanilang paningin. Talagang wala itong pagbabago, gano'n parin ito kung makatitig. Akala siguro nito ay gano'n parin s'ya dati na madali lang madala nito na sa isang titig nito ay bibigay agad s'ya. Tapos na pala itong nag almusal at ang bilis lang nitong naka akyat sa ibabaw. " Ahhm, Adelyn, doon tayo sa likod ng Villa, samahan mo muna ako doon. Gusto kong magtambay doon kahit ten minutes lang." Sabi naman niyang nagpatiuna na rito. Iiwas lang s'ya doon dahil nakamasid sa kanila ang pekeng Ninong niya. Na hindi nahihiyang titigan siya nito na nagpapahiwatig lang na may kakaibang interes sa kanya. Sumunod naman si Adelyn

