"Ano ba, bitawan niyo ako! hindi ako pinaniwalaan ni Fabiano Saavedra! kaya ginawa ko ito!" Galit na galit na asik ni Luissa sa mga lalaking pilit s'yang isinakay sa itim na van. At di rin nagtagal ay dala na rin ng mga ito ang kanyang anak na umiiyak. " H'wag kang matakot, baby. Si Daddy mo ang nagpasundo sa'yo dito." Sabi pa ng leader ng tauhan ni Fabiano. "Mommy.." Anang tinig ng bata na halatang natatakot. Niyakap niya ang kanyang anak. " Ssshhh, don't be afraid, anak. Si Daddy mo daw ang nagpapakuha sa atin." Umiiyak na wika ni Luissa sa anak. " Pasensya kana Ma'am Luissa, galit na galit sa'yo si Mr. Fabiano Saavedra or seniorito kaya magkakahiwalay kayo ng anak mo sa pagkakataong ito." Ang sabi ng isa. " Ano!? anong ibig niyong sabihin??" Umiiyak niyang tanong sa mga it

