" Ako ang bahala sa lahat, sweetheart." Nakangiting sabi nito sa kanya at idinikit pa nito ang mukha nitong may pinong bigote sa sa kanyang mukha. Nakiliti naman siya sa nang maidikit nito ang mukha sa mukha niya. Halatang bagong ahit ito at bagong tubo ang bigote nito. "Ang talim naman ng bigote mo." Reklamo naman niya rito. Mahina lang itong natawa at inilayo agad ang mukha nito sa mukha niya at niluwagan rin ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit muli naman siyang tinitigan nito. "Hinihintay ko 'yung sagot mo, kung mahal mo parin ba ako." Sabi nitong seryosong nakatitig sa kanyang mukha. Napangiti naman siya ng kunti. "Need pa talahang i- voice- out. Alam mo na nga. Yes, N-ninong Fabian, mahal na mahal parin kita." Di na niya ipinagkait na sagot rito. " Talaga?" Tanong nit

