CHAPTER 12

1709 Words

Nang makaalis si Ninong Fabiano ay iyak ng iyak naman siya habang nagluluto. Sobrang sakit sa kanya ang mga narinig mula rito. Kung meron lang sana s'yang matutuloyan at kung di lang s'ya takot na aalis sa haciendang ito ay ginawa na niya iyon. Ngunit hindi niya alam kung paano magsisimulang mabuhay sa kanyang sariling mga paa. Di na niya namamalayang humagulhol na pala s'ya habang naghihiwa ng karne sa kusina. At talagang di na niya napigilan ang kanyang sarili na mapaiyak ng labis. " Naku, Luissa! anong nangyari sa'yo?" Nagulat na tanong ni Adelyn nang maabutan s'ya nitong humagulhol ng iyak habang naghiwa ng karne. Inutusan kasi agad ni Seniorito Fabiano na tulongan nito si Luissa sa pagluluto kaya nagulat na lang ito nang maabutan s'yang iyak ng iyak. "Luissa bakit ha?" Nagta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD