Tinitigan niya iyon at malakas ang kutob niyang baka sulat iyon mula kay Luissa. Hindi man gusto niya ang kanyang naiisip ay nilapitan niya iyon at kinuha niya. Mas kinabahan si Fabiano nang nakuha na niya at nasa kamay na niya ang papel. Binuksan niya agad iyon at nagsalpukan agad ang kanyang mga kilay nang makumpirmang sulat nga iyon. Namula bigla ang kanyang mukha nang makitang galing nga iyon kay Luissa! binasa niya iyon kung anong laman. "Fabian, Pinili ko nalang ang umalis at hindi na kita sinumbatan pa sa mga panlolokong ginawa mo sa akin. Ayoko nang magpakasal pa sa'yo dahil di mo naman pala kayang i-give up si Britney. Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa. Alam ko nang kayo parin hanggang ngayon. Sinundan kita kahapon sa condominium niyo. At nakita ko kayo ni Miss Britn

